YAP MAGRERETIRO NA?

on the spot- pilipino mirror

BUHAT nang magsimula ang PBA 46th season ay hindi pa nakapaglalaro si James Yap sa Rain or Shine dahil nga may injury siya.

Tsika ng On the Spot,  nag-iisip na si Yap na magretiro. Tila susunod na rin siya sa kanyang mga kaibigan  na nagsipagretiro na.

Naunang nagsabit ng kanyang jersey si Peter June Simon, pagkatapos naman ay si Marc Pingris na dati niyang teammates sa Magnolia Hotshots. Nakantiyawan nina Pingris at Simon si James na pagbigyan na ang mga sumisibol na  batang players. Kunsabagay,  hindi na bumabata si King James, at wala na siyang dapat pang patunayan sa 17 years  niyang paglalaro sa PBA. 39 taong gulang na siya. Bagama’t   kaya pa niyang makipag-sabayan sa mga baguhang  players, nadadalas na rin ang pagkakaron niya ng injury.

Wala pa namang sinasabi ang management kung may katotohanan ang balita. Wala pa ring binabanggit ang player sa kanila.



Tuloy-tuloy na ang pagbabalik ng Philppine Cup  ngayong Agosto 29 sa Angeles University Foundation sa Pampanga. At pumayag na rin ang mga player na kanya-kanyang bayad ng hotel at food para lang matuloy na ang mga laro..

Kasi kapag hindi pa ito natuloy,  malamang ay maraming players ang mangibang bansa upang doon maglaro.  Dahil kung si Kiefer Ravena ay pinayagan ng PBA at mother team nito, posibleng payagan din sila sakaling may team sa Japan B. league o ibang liga na kumuha sa kanila.

Saludo tayo sa mga  player na naging handa  sa pagtulong sa PBA upang matuloy na ang liga.



Naging most improved player itong si Prince Caperal ng Brgy Ginebra dahil maganda ang ipinakita niya sa unang  PBA  bubble game na ginawa sa Clark, Pampanga. Isa siya sa nakatulobg sa Gin Kings para masungkit ang unang All-Filipino trophy.

Ang tanong, gaano kaya katotoo na nakatakda siyang i-trade sa  kampo ng Rain or Shine Elasto  Painters, kapalit ni Rey Nambatac. Kung matutuloy ito, ano ang magiging papel ni Nambatac sa Ginebra gayong napakarami nang guwardiya ang team.

Kaya naman umano iti-trade si Caperal ay dahil marami na ring sentro ang naturang team at mahina nga ba sa  depensa si Caperal?

198 thoughts on “YAP MAGRERETIRO NA?”

Comments are closed.