Yap nagbakasyon sa Italy

on the spot- pilipino mirror

UMALIS kamakailan patungong Italy si Rain or Shine player James Yap upang bisitahin ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang dalawang anak.  Miss na miss na umano ng player ang kanyang mga tsikiting.

20 days lang mananatili si James sa Italy dahil by November ay magsisimula na ang PBA 2nd conference na may imports.

Ayon kay James, lalaro pa siya kaya ‘di siya puwedeng magtagal sa kanyang pamilya roon.

Pagkatapos ng 2nd conference ay susuungin naman niya  ang politika kung saan tatakbo siya bilang  councilor sa San Juan City.

Mukhang last conference na ni James  ang Governors’ Cup at posibleng magretiro na ito sa  kanyang basketball career

vvv

Kung totoo ang usap-usapan sa social media hinggil sa pagre-rectruit ng magagaling na basketball player sa bansa ay dapat nang gumawa ng hakbang ang PBA para mapigilan ito.

Hindi lang ang Japan B.League ang nagkakainteres ngayon sa mga Filipino player para maging Asian imports ng liga.  Nadagdagan pa .ang mga ito, handa na ring mag-recruit ang KBL (Korean Basketball League) at CBL

(China Basketball League). Balita ko pa ay pati ang Taiwan League  ay maghahakot na rin ng mga Pinoy player.  Pataasan nga sila ng offer sa ating mga basketbolista.

Dahil sa naglalakihang offers na inilalatag ng mga Asian league sa mga baketbolista natin ay siguradong marami ang magkakainteres.

Naku, naku, gising PBA, UAAP, NCAA at baka pati universities ay sakupin na rin ng KBL, CBL TBL, at B.League para makakuha ng mga player. Nagsisipag-scout na ang mga ligang ito sa bansa.

Ito pa, naghahanap na rin ang B.League  at ang tatlong nabanggit  na liga  ng TV network upang mapanood ang kanilang tournament dito sa bansa. Sa YouTube nga lang  ay grabe na ang suporta ng mga kababayan natin para mapanood ang laro ng mga kababayan natin sa kani-kanilang team.

Ang SMC sports director na si Alfrancis  Chua ay kumikilos na upang hindi makuha ang mga pinupuntirya ng Japan B.League na kanilang mga player.  Kinakausap na nga raw ni Mr. Chua sina Japeth Aguilar, Terrence Romeo, June Mar Fajardo, Christian Standhardinger at CJ Perez.

Sina Aguilar at Standhardinger ay mapapaso na ang mga kontrata sa December. 2021.

Nainggit ang iba pang Asian league sa Japan B. League dahil biglang pinag-usapan ang huli dahil sa mga Pinoy player na nakuha nila. Hindi lang mga guwapo ang mga Pinoy kundi  super husay pa at  nakatutulong  sa kani-kanilang koponan.

7 thoughts on “Yap nagbakasyon sa Italy”

Comments are closed.