NAGHAHANDA na ang tanggapan ni Benguet Caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa posibleng pagkalat pa ng UK Variant ng COVID-19 sa naturang probinsiya matapos na pumanaw ang isang 84-taong gulang na residente noong nakaraang linggo dahil sa naturang sakit.
Sa panayam sa radyo noong Biyernes, sinabi ni Cong. Yap na nakamonitor siya at handang magbigay ng anumang tulong sa mga mahahawa ng nasabing sakit.
“Naka-ready po tayo magbigay ng financial aid, hindi lang sa mga mahahawa kundi pati na rin sa mga local government units sakaling lumala ang sitwasyon sa ating nasasakupan,” ani Yap.
Walang linggo na dumaan simula ng tumama ang COVID-19 sa bansa na hindi umaakyat si Yap sa Benguet kahit na may sesyon pa sa kongreso.
“Trabaho ko po na alamin ang mga kailangan ng mga tao doon at ng mga LGU lalo na ngayon na may krisis ang buong bansa,” dagdag pa ng mambabatas.
Tiniyak rin ng kongresista na maglalaan siya ng ilang milyong pisong pondo para sa bakuna na ibibili ng LGU sa lalawigan.
Pinaalalahanan rin niya ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at sumunod sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang hindi mahawa ng virus. PMRT
Comments are closed.