GINULAT ni Yasmien Kurdi ang press sa grand presscon ng Beautiful Justice sa suot na seksi black lace gown. Lumantad ang hubog ng kanyang katawan sa kanyang mistulang see-through na outfit.
Ayon kay Yasmien, malaki raw ang naitulong ng training nila sa bagong teleserye ng Kapuso Network, na puno ng suntukan, bugbugan kaya lalong gumanda ang kanyang katawan.
“Matagal at mahirap ang training namin. Hindi siya naging madali. Actually mas nag-gain na nga ako ngayon compared sa weight ko nu’ng last teleserye ko. Noon kasi medyo lubog na ang pisngi ko,” say ni Yasmien.
Dahil medyo mas daring na siya magdamit ngayon kumpara noon na makaluma ang kanyang sinusuot. Tanong tuloy sa kanya kung okey ba at walang problema sa husband niya ang pagpapaseksi?
“Okey naman sa kanya. Hindi naman siya nagre-react. Tinanong ko nga siya kung okey lang ang damit ko, wala lang, okey lang daw. I-post ko raw ‘yun.”
Hindi ba siya natatakot na biglang mabuntis dahil sa pagsusuot ng sexy outfit?
“Hindi naman ako in a rush. Kasi basta kung ibigay ni Lord, blessing `yon. Pero hindi naman kami nagmamadali talaga. Pero wala pa naman ako sa age na hindi na puwede mabuntis.
“Maaga akong nag-asawa at maaga rin akong nabuntis. Actually, naghahanap na rin ng kapatid ang anak namin, pero sinasabi lang namin sa kanya na in God`s time, darating din `yon. Malay natin next year biglang mabuntis, ‘di ba?” say pa ni Yasmien.
GABBI GARCIA ‘DI NA MAGKAKAROON NG KA-LOVETEAM
HINDI na nga muling magkakaroon ng ka-loveteam si Gabbi Garcia dahil sa bagong serye ng Kapuso actress na Beautiful Justice ay kay Derrick Monasterio naman siya ipapareha.
Hiniwalay rin muna si Derrick sa teamup nila ni Bea Binene dahil kay Gabbi nga siya ipinareha imbes na kay Binene na isa rin sa lead star ng Beautiful Justice.
Ayon kay Derrick, first time niya raw nakatrabaho si Gabbi sa isang teleserye at nadiskubre rin niya na kasing kulit din daw niya ito.
“Matagal na po kaming magkakilala ni Gabbi, pero ngayon lang kami nagkasama sa isang TV show. Unang impression ko sa kanya ay yu’ng tahimik at very conservative. Nagulat po ako na ang kulit din pala niya. Kaya mabilis kaming nagkasundo kasi nag-aasaran kami kapag walang take, “ say ni Derrick.
Sa ngayon daw ay zero ang lovelife ni Derrick dahil wala na raw sila ng Fil-Australian beauty queen girlfriend na si Kathleen Joy Paton. Wala naman siyang ibinigay na dahilan kung bakit sila nag-break up. Pero aminado naman siyang may dini-date ngayon na isang modelo.
o0o
PERSONAL: MALIGAYANG kaarawan sa aking pinakamamahal na nanay na si Milagros Guinto Ocampo na 86 years old na kahapon. Nakita at nakapiling ni nanay ang kanyang mga apo sa family birthday party na ginanap sa Dreamdland Subdivision Mandaluyong City.
Naka-schedule si nanay na magpa-check up uli sa Chinese Hospital para tingnan kung may barado na naman sa kanyang ugat.
Happy birthday sa aking pinakamamahal na nanay, Milagros Guinto Ocampo.
Comments are closed.