YASMIEN KURDI AT JACKIE RICE NAG-AWAY SA OSPITAL

YASMIEN-JACKIE

ISANG palabang Thea (Yasmien Kurdi) ang napanood recently sa episode ng adboka-seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Naabutan niyang magkasama sa ospital sina Marco (Mike Tan) at Ava (Jackie Rice) kaya hindi na niya napigilan kaladkarin ito palabas at patikimin ng galit niya!

In fairness, marunong din naman pa lang matakot itong si Ava dahil siya na rin mismo ang umalis matapos ipagtabuyan ng mag-asawa. Pero ngayong nalaman na ni Thea na nabuntis ni Marco si Ava, magkaayos pa kaya ang pamilya nila?

Patindi nang patindi ang mga eksena kaya subaybayan lang ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka weekdays pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.

NORA AUNOR GULAT SA SURPRISE BIRTHDAY PARTY

NATUWA naman kami sa napanood naming video kung saan sinorpresa ang nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor sa taping ng upcoming GMA primetime series na Onanay.

Bago siya pumasok sa tent na sinabitan ng balloons ay kinantahan na agad siya ng co-stars at production staff ng Happy Birth-day. Noong una ay nagulat pa siya pero napapasok din nila sa loob ng tent.

Ipinagdiwang ni Ate Guy ang ika-65th niyang kaarawan at sinabi sa isang interview ang birthday wish niya, “Sana magkita-kita pa rin tayo at maging magkakaibigan pa rin at more shows pa rin sa Channel 7 na maganda, lalo nagayon na malapit sila sa ‘kin. Talagang ang puso ko talaga andito.”

So sa ngayon ay puwede talagang masabing isang ganap na Kapuso Star ang nag-iisang Superstar ng bansang Pinas, ‘di ba naman mga Noranians all over the world? ‘Yun na!

 

2 thoughts on “YASMIEN KURDI AT JACKIE RICE NAG-AWAY SA OSPITAL”

  1. 862483 681789Hello there, just became alert to your weblog by way of Google, and located that it is actually informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. Many individuals will probably be benefited from your writing. Cheers! 72031

Comments are closed.