NAGING inspirasyon ni Jasmien Kurdi ang kanyang ina na OFW at mga kababayan kaya kumuha siya ng kursong political science.
“Gusto ko silang tulungan in my own little way. Wala naman akong planong pumasok sa politika o ng kursong law. Kahit na nga hirap akong pag-sabayin ang pag-aaral at taping ng “Hiram na Anak,” finally, ga-graduate na ako sa April at magmamartsa ako,” pahayag ni Yasmien.
Ang pangarap talaga niya ay maging doctor kaya binalak niyang kumuha ng nursing.
“Eh, sa nursing kailangang full load ako. Eh, ayoko mag-quit sa showbiz dahil hindi ko na kayang mawala sa akin ito. Ito talaga ang mahal ko. Sa-bi ko, kung gusto kong maka-graduate at makakuha ng diploma, pinapili nila ako ng mas kakayanin ng schedules ko,” say pa ni Yasmien.
At para matupad ang isa pang pangarap ay kinausap niya ang husband na si Rey na kaunting tiis na lang. Imagine nga naman na bukod sa pagiging artista ay isa rin siyang asawa at nanay sa kanilang tahanan.
MICHAEL V AT OGIE NAGING USAPAN ANG PAGSASAMA SA COMMERCIAL
USAP-USAPAN pa rin ang pagsasama ng magkaibigan na sina Ogie Alcasid at Michael V sa isang commercial. Matagal nang magkaibigan ang dalawa at maging sa pagpapatawa ay magkasama sila nagbibigay ng iba`t ibang jokes.
‘Yun nga lang biglang naghiwalay ng landas ang dalawa dahil lumipat ng network si Ogie at naiwan pa ring isang Kapuso si Michael V.
Hindi naman ikinaila ni Michael V na miss niya ang tandem nila ni Ogie sa pagpapatawa na ginagawa nila every Friday sa Bubble Gang.
Katuwiran ni Michael V, whatever happens ay patuloy siyang magbibigay ng kasiyahan sa kanilang fans at followers kaya naman every Friday ay gumagawa pa rin siya ng iba`t ibang gags kasama ang BG barkada para maipagpatuloy ang naudlot nilang tandem ni Ogie.
Sa longest running gag show ay muli ngang binuhay ni Michael V ang ginagawa nilang tandem sa pagpapatawa ng bestfriend. Hindi naman naging ma-hirap dahil lahat ng mga BG barkada sa pangunguna nina Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona, Bentong, Diego atbp ay mas nagiging matatag ang gag show.
Sa Friday ay may iba na namang gag segment na inihanda si Michael V at Bubble Gang barkada na siguradong ikasisiya ng mga manonood.
REGINE VELASQUEZ PALAG SA PAKIALAMERANG FAN
UMALMA ang ilang fans ni Regine Velasquez-Alcasid sa ginawang pagpayag ng Songbirds na ipa-interpret ang isa sa pinasikat niyang kantang Pangarap Ko ang Ibigin Ka sa kapwa singer na si Morisette.
Sa kanyang Twitter account ay sunod-sunod ang naging reply ng Songbirds sa tweets sa kanya. Ang problema lang ay may ilang followers niya ang naka-private ang account kaya wala siyang paraan para sagutin ang tweet ng mga ito.
Unang tweet nga ni Regine, “Guys what`s wrong with me giving the song to her? The song will always be mine but the truth is hindi ko naman mare-record ‘yun at wala na akong magagawa du’n. Ba`t ba as marunong pa kayo sa akin?”
Sumunod na tweet, “ I want her to record the song so the new generation will know the song. It will have a new life. She will definitely own it siyempre because that’s what we do ako ‘pag kumanta ng song ibang tao hindi naman sila nag-react ng ganyan.”
“I just happen to love this girl because I think she is so talented. Utang na loob wag OA!!” patuloy pa ng Songbird.
Pinaalala rin ni Regine na hindi siya ang may-ari ng song kundi ang songwriter. “I`m just an interpreter,” pagdidiin ng Songbird.
Comments are closed.