ANG ganda ng aura ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ngayong may naiiba siyang proyekto sa GMA Network, ang drama-action series na “Beautiful Justice.” Mas beauty si Yasmien ngayon kahit may asawa at 6-year old daughter na siya, ano raw ang sikreto niya? Siguro raw ay dahil punumpuno siya ng pagmamahal mula sa asawang si Rey Soldevilla at sa anak nilang si Ayesha.
“At siguro po inspirado ako sa bago kong project, ang “Beautiful Justice,” natatawang sagot ni Yasmien. “Naiiba po kasi ang role ko, first time akong mag-aaksyon, mala-Charlie’s Angels kami nina Gabbi Garcia at Bea Binene.
“Nakaka-pressure but it really excites me at nakaka-nerbiyos din kasi lumabas ako sa comfort zone ko, na five years kong pinag-aktingan at pinagtrabahuhan, ang afternoon soap ko na tinangkilik naman ng mga viewers at binigyan kami ng mataas na ratings. Kailangan ko rin namang mag-explore ng ibang roles at maka-experience ng bagong time slot, sa primetime telebabad.”
Inamin ni Yasmien na nahirapan din siya sa training niya dahil bago lahat sa kanya ang ginagawa niya sa pagpapatuloy pa rin ng training kahit nagti-taping na sila.
“Parang bagong job description itong pinasukan ko, ibang-iba pero iyon ang nagpa-excite sa akin. Alam kong kung hindi ako mahihirapan, hindi ko matututunan ang dapat kong gawin sa bawat eksena. Kaya I’m very thankful sa GMA kasi bilang babae, maganda rin na matutunan ko ang self-defense. Sa eksena, kung kaya kong hindi magpa-double, hindi ako ido-double. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko kung hindi ko naman kaya. Pero kung kaya ko at safe naman, bakit hindi ko gagawin?”
Ang “Beautiful Justice” na dinidirek ni Mark Reyes ay tungkol sa droga, sa tingin ba niya magugustuhan ni President Rodrigo Duterte kung mapanonood nito ang serye?
“I think magiging masaya si President Duterte, kung mapapanood niya ang serye namin. Handog po namin ito sa bayan.
Naipalabas na nu’ng Lunes ang “Beautiful Justice” na binubuo ng cast na sina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri at marami pang iba, mapanonood ang “Beautiful Justice” sa primetime telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”
MARIAN RIVERA WALA PANG BALAK GUMAWA NG TELESERYE, FOCUS SA PAGIGING NANAY
NAGSIMULA na last Saturday, September 7, ang pagbabalik ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, para sa month-long 2ndAnniversary celebration ng award-winning weekly drama anthology na “Tadhana,” na siya ang host. Ang mga seryeng ipinalalabas dito ay tungkol sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at tampok last Saturday sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena, sa two-part episode na “Serial Killer” at first serial killing na naganap sa Cyprus na kinabilangan ng tatlong Ilocano OFWs.
Pero wala pa ring balak si Marian na tanggapin ang leading lady role ni Dingdong Dantes sa ginagawa nitong Pinoy adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun.”
“Mahirap kasi, ang layo ng location, sa Nueva Ecija, tapos walang uwian, kaawa-awa naman si Ziggy (4-months-old son nila ni Dingdong), bibitbitin ko ba siya sa taping? Si Zia, nag-aaral na rin, hatid-sundo ko siya araw-araw sa school. Hintayin na lamang natin baka may project nang iba na ibibigay ang GMA sa akin. Saka next month, babalik na rin ako sa noontime show naming “Sunday PinaSaya.”
Comments are closed.