SOBRANG kasiyahan ang nadama ni Yasmien Kurdi nang makasama niya ang matagal ng iniidolong singer/actress.
Kilig-to-death ang nadama ni Yasmien nang ma-meet niya ng personal si Lea Salonga at magkaroon pa sila ng photo na magkasama. Pareho kasing naging guest sina Yasmien at Lea sa concert ni Maestro Ryan Cayabyab kung saan pareho sila kumanta.
Ipinost ni Yasmien sa kanyang Instagram ang photo nila ni Lea at ayon sa caption ay na-starstuck, nanginig at naiyak siya nu`ng makita si Lea.
Mabaliw-baliw sa kasiyahan si Yasmien nang makilala niya nang personal at makasama pa sa larawan.
Kuwento ni Yasmien, avid fan siya ni Lea at may pagkakataon pa na sinundan niya si Lea sa isang mall habang namimili.
Well, ganyan magmahal at maging fan ni Yasmien, hindi inisip na isa rin siyang actress na hinahangaan.
GRETCHEN BARRETTO NAGPASARING SA MGA MAGNANAKAW, SINUNGALING AT MANG-AAGAW
SA latest Instagram story ni Gretchen Barretto ay nagpasaring ito ng super tapang at bonggang-bongga. Pero hindi lang malinaw kung para kanino `yon.
May kinalaman kasi sa mga magnanakaw, mang-aagaw at sinungaling ang kanyang mga patutsada.
“Beware of skilled stealers, liars and twisters,” say ni Gretchen.
Nakasaad sa mensahe, “Remember, they cheated because they wanted to, they lied because they could, and now they`re sorry because they got caught. It`s always about them. You did nothing to cause or deserve it.”
Ang tanong ay kung para kanino ba talaga ang mensaheng ito ni La Greta?
Para pa rin kaya sa mag-inang Marjorie at Julia Barretto?
JULIA BARRETTO LALAYAS NA SA PODER NG INA
NAKAHANDA nang layasan ni Julia Barretto ang tahanan ng kanyang magulang at kapatid. Tapos na tapos na kasi ang ipinagawa niyang bagong bahay.
Ibinahagi nga ng kanyang mommy Marjorie Barretto sa Instagram story na masayang-masaya nag-iimpake ng kanyang mga gamit si Julia para sa gagawin paglipat sa bagong tahanan.
“She`s happily getting settled in her home and I`m starting to feel (sad teary eyes emoji).”
Kalungkutan ang naramdaman ni Marjorie dahil hindi na niya makakasama sa isang bubong ang kanyang anak, pero masaya na rin siya para kay Julia dahil naka-pagpatayo ng sariling bahay sa sariling sikap.
Anyway, hindi rin naman masyadong malalayo si Julia sa kanyang pamilya dahil magkalapit din naman ang kanilang bahay na mag-ina kaya hindi rin masyadong mag-alala si Marjorie sa magiging kalagayan ng anak.
At sana ay muling bumango ang showbiz career ni Julia dahil sayang ang mga pagsisikap nito matapos ang mga pinagdaanan problema sa buhay.
Comments are closed.