YATENG REGALO NI NERI NAIG KAY CHITO MIRANDA NEGOSYO PALA

SINURPRESA ni Neri Naig ang asawang si Chito Miranda ng isang bagong yate sa kanyang ika-47 taong kaarawan. Syempre, natuwa naman ang Parokya ni Edgar frontman. Naka-dock ang bagong yate sa Pico de Loro Beach and Country Club sa Nasugbu, Batangas – isang oras ang layo sa Tagaytay City.

“Maliit lang ang aming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda ring mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing,” ani Chito.

Bilang “wais na misis,” hindi raw basta personal yatch lang ito kundi bagong source of income din ng pamilya dahil available for rent din ito kapag hindi nila ginagamit.

“Siyempre bilang wais na misis, ipapa-rent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha,” ani Neri. “Buti na lang may mga business partners ako dito hehe!”

“Margarita” ang ipinangalan nila sa kanilang yate. Yun daw kasi ang gusto nilang ipangalan sa kanilang anak kung naging babae ito, pero dahil naging lalaki, sa yate na lamang nila ito ipina­ngalan. – NV