YEAR 2020 HOTTEST YEAR-UN

Petteri Taalas

NAPABILANG ang 2020 sa tatlong pinakamainit na taon sa kasaysayan.

Batay sa report ng UN—World Meteorological Organization (WMO),  ang nakalipas na anim na taon simula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan ang itinuturing na “hottest years” simula noong 1850.

Dahil dito, sinabi ni UN-WMO Sec. Gen Petteri Taalas na nakasaad sa 2015 Paris agreement on climate change na dapat magtakda na ng 2 °C na cap sa global climate.

Sinabi naman ni Taalas na ngayong 2020 ay naitala na ang 1.2 °C na global climate na itinuturing na above pre-industrial level.

Dagdag pa ni Taalas,  posibleng pumalo pa ng 1.5 °C ang global climate pagsapit ng 2024.

Batay sa report ng Japan Meteorogical Agency, noong 2014 nasa .27 °C lamang ang global temperature.

Sinusukat ang global temperature sa pamamagitan ng combine measurements mula sa air, land at ocean surface. DWIZ8820

Comments are closed.