“THE MURDER of my trusted aide was only the ‘tip of the iceberg’ of what I suspected to be a killing mission sponsored by those who benefited most in the 2016 massive electoral fraud,” pahayag ni anti-poll fraud crusader Glen Chong.
Walang pag-aalinlangan na tinukoy ni Chong ang isang grupo na tinawag niyang ‘Yellow Madmen’ na nasa likod ng umano’y pagtortyur at pagpaslang kay Richard Santillan noong umaga ng Disyembre 10, 2018 sa Cainta, Rizal.
Sa ulat ng local police, si Santillan, pinagkakatiwalaang aide ni Chong sa loob ng mahigit isang dekada, ay napatay nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Highway Patrol Group makaraang tangkain umano nito, kasama ang isang babae, na takasan ang isang road security check.
Subalit ibinasura ng pamilya nina Chong at Santillan ang pahayag na ito ng mga awtoridad makaraang makakita umano ng maraming butas sa report ng pulisya.
“We have discovered sufficient ground for a willful intent to kill Richard… like the removal of his fingernails which was an ob-vious sign of torture,” ani Chong.
Kinuwestiyon din niya ang naunang report na pirmado ng Rizal provincial police director na nagsabing ang pakikipagbarilan ni Santillan sa mga pulis ay nagsimula nang mamataan ng isang highway patrol team ang isang Fortuner car na walang validation sticker, na nag-udyok sa HPG operatives na buntutan ang sasakyan ng biktima matapos maberipika sa LTO record na ang registra-tion nito ay paso na noong 2015.
“It’s highly improbable that at 1 o’clock in the morning, the HPG team was able to spot the absence of a validating sticker of a speeding Fortuner, had its registration with LTO Stradcom record checked and tried to flag same speeding car down all at the same time in a matter of seconds… then engaged the passengers in a firefight,” pagbibigay-diin ni Chong.
Dagdag pa niya, ang isa pang butas sa police report ay nang biglang banggitin sa huling bahagi nito na ‘marami pang suspek’ ang nakatakas sa shootout gayong hindi sila nabanggit sa unang bahagi ng report.
“Ano ba talaga, were the lawmen pursuing a convoy at that wee hour, or just the car driven by Santil-lan?” pagtatanong ni Chong.
Comments are closed.