YEMENI STUDE TIKLO SA P1.2K MARIJUANA

BAGUIO CITY- ARESTADO ang 24-anyos na Yemeni college student makaraang makum­piskahan ng P1,200 halaga na pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng kanyang inuupahang lodge sa Barangay Bakakeng Central sa lalawigang ito noong Biyernes ng hapon.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Bahbry Turki Sultan Mohammed Bahbry, estudyante sa isang unibersidad sa nasabing lungsod.

Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, bago arestuhin ang suspect ay tumawag sa himpilan ng pulisya ang manager ng lodge dahil sa dalawang araw ng hindi lumalabas ang suspek at tumatangging pang magbayad ng bill.

Gayunpaman, naalarma ang manager kaugnay sa kondisyon ng suspek kaya napilitang magreklamo ito sa pulisya kung saan kaagad naman rumes­ponde.

Dito na inabutan ng pulisya ang suspek na nakikipagtalo sa manager kaugnay sa hindi pagbaba­yad ng dalawang araw na bill.

Namagitan ang mga awtoridad bago tinungo ang silid ng suspek kung saan bumungad ang pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia na nagkalat sa kama.

Mismong sina Baguio Assistant Prosecutor Oliver Prudencio at Bakakeng Central Barangay Kagawad Paulene Guilas ang nag-imbentaryo ng ilang pirasong marijuana sa harap ng suspect.

Binalaan naman ng PDEA-Cordillera ang mga foreign nationals, partikular na ang West Africans na sinasabing miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) na may drug trade sa Baguio City at nagrerecruit ng mga babaeng estudyante bilang drug courier. MHAR BASCO

One thought on “YEMENI STUDE TIKLO SA P1.2K MARIJUANA”

  1. 736560 498898Spot on with this write-up, I genuinely suppose this web website needs rather more consideration. most likely be once much more to learn a lot more, thanks for that information. 490353

Comments are closed.