YEN-PAOLO DINNER DATE DEDMA KAY LJ REYES

TRENDING topic ngayon sa social media ang rumored couple na sina Yen Santos at Paolo Contis na magkasama raw nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan ng aktres noong Sabado, November 20.

Nag-post ng picture si Yen kung saan naka-set up ang very romantic tent sa beach na may caption na  “Birthday dinner.” Very observant ang mga netizens dahil napansin agad nilang tila iisa ang lokasyon ng naging dinner venue ni Yen at ng sinasabing boyfriend na si Paolo. Sa Instagram story kasi ng dating asawa ni LJ Reyes, makikita naman ang selfie niya na ang background ay parehong-pareho sa nasa IG ni Yen. Simpleng “Dinner time,” ang caption ni Paolo na sinundan ng tatlong cake emoji.

Wala mang direktang pag-amin sina Yen at Paolo yet,  netizens felt that Yen celebrated her birthday with an intimate dinner with Paolo. Hanggang ngayon, hindi mamatay-matay ang chikang may relasyon ang dalawa matapos pagpiyestahan ang mga larawan nila sa Baguio.

Dedma lang si LJ Reyes sa controversial dinner date dahil feeling nasa cloud nine ang Kapuso actress matapos i-post ang makabagbag-damdaming mensahe sa kanya ng anak na si Aki.

“I love you mom up to the moon and star and sun,” his first note reads. “Dear mommy, I love you forever and I wish that you will love me forever and I wish that you buy me a toy.”

Ibang klaseng kaligayahan ang dulot ng nasabing letter ng anak sa kanya.

“Handwritten notes from Aki are the best! Ewan ko pero lagi talaga akong tunaw na tunaw when I get these handwritten notes from my son. Proof ba na batang 90s ako? But honestly, I think expressing your feelings and showing your appreciation through this small gesture are always the best way to show and make people feel special!” Kaya dedma lang siya sa viral IG stories nina Paolo at Yen.

FRIENDSHIP NINA VICE GANDA AT  BILLY CRAWFORD TULUYANG NASIRA

MARAMI ang nanghihinayang kung totoong nasira na ang magandang pagkakaibigan nina Vice Ganda at Billy Crawford? Iyan kasi ngayon ang nagkakaisang katanungan ng kanilang mga followers sa social media pagkatapos nilang mapansin na si Vice and his former “It’s Showtime” co-host no longer follow each other on Instagram.

Matatandaang, inanunsiyo ni Billy ang kanyang paglipat sa TV5 via Vice’s YouTube channel. Tiniyak ng “Unkabogable Star” na family at kaibigan niya si Billy despite his network shift.

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya, family kita, at mahal na mahal kita,” nasabi pa noon ni Vice  kay Billy. “Kahit magkatapat ‘yung mga bahay natin, family tayong dalawa, ‘di ba? Magkakawayan tayo du’n sa magkakatapat nating bahay. At susuportahan natin ang isa’t isa,” dagdag pa ni Vice.

Actually, okey naman talaga sila ni Billy at wala silang problema sa isa’t isa kahit pa nga magkatapat ang “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud” na si Billy ang main host. Pero recently, nakakatanggap si Direk Bobet ng mga pahaging mula kay Vice mula nang sabihin niyang he left the show not for money but for health purposes.

Noong Wednesday’s episode ng “It’s Showtime,” nag-react si Vice during the “Madlang Pi-Poll” segment sa tanong na: “Anong ayaw mo? Fake friends o fake news?”

Sumagot ang celebrity contestant na si Jeff Canoy ng…. “Worse, ‘yung fake friends na nagbibigay pa ng fake news.”

“Ay yes! ‘Yung fake friends na nagbibigay pa ng fake news sa mga interview,” pagsang-ayon ni Vice.

Nagduda ang netizens na may dinadala si Vice na something about friendship. Idagdag pa ang reaksyon ni Vice sa kasamahang si Jugs Jugueta’s comment na “Yan ‘yung mga ina-unfriend.”

“Tapos, nagsasama-sama sila,” dagdag komento ni Vice na inisip ng mga nakapanood na yung mga dating taga-Showtime na lumipat ang pinaparinggan.

KASALANG JENNYLYN-DENNIS SIMPLE PERO BONGGA

Ikinasal noong Sabado sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na na-upload sa kanilang YouTube channel na may 1 million followers. The celebrity couple wore matching white suits.

Gawa ni Edwin Tan ang all-white suit ni Dennis, samantalang ang blazer white dress ni Jennylyn ay gawa naman ni Vania Romoff.

Finally ang pinakahihintay na journey to forever ng couple na halos walang taon nang magkarelasyon ay nangyari na nga.

Kahit simple lang ng ayos ni Jennylyn ay napaka-ganda niyang bride. Naganap ang kasalan noong November 15 with a simple civil ceremony in Quezon City kung saan dumalo ang ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan ng dalawa.

The wedding was held in a gazebo ng studio nap ag-aari ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo. The couple’s official wedding photographer Team Pat Dy kasama sina Nelwin Uy, Chissai Bautista, at Caliber King.

Simple pero puno ng sweet moments ang intimate civil wedding nina Dennis at Jennylyn at kitang-kita sa aura ng dalawa na masaya sila.

Matatandaang nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary as a couple last January sina Dennis at Jen. They both have children from previous relationships. Si Dennis as we all know, ay may anak sa beauty queen na si Carlene Aguilar at si Jennylyn naman ay may anak  kay Patrick Garcia.