YENG CONSTANTINO KINAKARIR NA ANG PAG-ARTE

YENG CONSTANTINO-1

TULAD nina Regine Velasquez at Nora Aunor, isa si Yeng Constantino na pinangarap na makapag-cross the pointover  from singing to acting.

Kaya naman itinutu­ring niyang mapalad ang sarili dahil napatunayan niya na hindi lang pala siya pang-concert kundi puwedeng pampelikula rin.

Nakapagbida na siya noon sa pelikulang “Shift” na naging kalahok sa Cinemaone Originals Filmfest taong 2013, kung saan na-katambal niya si Felix Roco.

Ang nasabing pelikula ay nanalo ng Grand Prix award para sa director nitong si Siege Ledesma sa Osaka Asian Film Festival sa Japan noong 2014.

Noong nakaraang taon, muli siyang nagpakitang-gilas sa Cine Filipino entry na “The Eternity Between Seconds” ni Alec Fig-uracion.

Ngayong 2019, muli siyang magpapabongga dahil isa siya sa mga bida ng pelikulang “Write About Love” ng TBA Films na di-rectorial debut ni Crisanto B. Aquino.

Kabituin niya rito sina Miles Ocampo, Rocco Nacino at Joem Bascon.

AICELLE SANTOS ITINANGGI NA NAGLI-LIVE IN NA SILA NG BF

aicelle santos and markIDINENAY ng magaling na singer-actress na si Aicelle Santos na nagli-live in na sila ng boyfriend niyang si Mark Zambrano.

“Hindi siya totoo at hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang balita,” aniya.

Public knowledge naman na engaged na ang dalawa at nagbabalak nang pakasal ng boyfriend niyang journalist.

After ng kanyang one-week break noong Nobyembre, bumalik si Aicelle sa London para sa kanyang mga commitment.

Siya ang napiling gumanap ng role ni Gigi sa Miss Saigon sa UK.

Pagkatapos ng London leg, itatanghal din sa Singapore at Switzerland ang nasabing musical na nagpaki-lala kina Lea Salonga, Joanna Ampil, Eva Noblezada, Isay Alvarez at Jenine Desiderio sa world stage.

Comments are closed.