NOONG active pa sa kanyang showbiz career si Ynna Asistio ay naikot nito ang tatlong TV networks na ABS-CBN, GMA at TV 5. Naging controversial din ang lovelife ni Yna sa Kapuso actor na si Mark Herras at may money involved.
Sa ngayon ay focus si Ynna sa jewelry business na Radiant Lux Jewelry at kasosyo ng actress-businesswoman dito ang kaibigang si Nikki del Rosario. Sila ni Nikki ay certified diamond grader at engagement and wedding ring specialists, kaya mga celebrity ang madalas nilang customer.
“I was a bit hesitant at first because I had no idea about the jewelry industry then. But eventually, I started opening myself to it and Nikki taught me the basics about diamonds. Then slowly, I became interested and finally decided to enter the business with her. I also thought that maybe it was time to open myself to something new,” pagbabahagi pa nito sa negosyong pinasok.
JC GARCIA THANKFUL SA MGA REALTOR BFF NA SINA DORIE RAMIREZ AT MARILYN BECHKLEHIMER
THIS year, ay sunod-sunod ang gagawing concert ng kilalang Pinoy Singer sa San Francisco, California na si JC Garcia na nakatakda na ring mag-recording para sa kanyang first single mula sa komposisyon ng hit maker na si Vehnee Saturno.
Mapanonood si JC sa kanyang “Dance Your Night Away” with his band Projex Inx Band sa October 5 sa popular na Ichiban Comedy Bar sa Bay Area. Maraming sikat na local artist ang nakapag-perform sa nasabing venue, kaya’t sikat ito sa Pinoy community.
Well, titulo pa lang ng concert ni JC, ay obyus na ang repertoire niya ay mga dance hits noong 80s and 90s kasama na ang sikat na English love songs. May surprise guest performers sa concert ni JC at nais niyang magpasalamat sa mga kaibigan na nag-sponsor ng kanyang show tulad ni Marilyn Bechklehimer, realtor of Better Homes Real Estate at Dorie Ramirez. broker/owner of Bay Area Homes Realty. Sila ay two powerful women in the Bay.
“I would like to thank my sponsors Marilyn and Dorie for sponsoring my show on October 5, 2019. Thank you for giving me your love and support and thank you both for trusting me, I am forever grateful!”
By the way, naimbitahan pala si JC sa Stockton ng friend niya since 1994 at original dance partner sa Sacramento na si Ms. Fleur Rodriguez para mag-DJ sa isang special event. This October 25 sa tentative concert ni Rachel Alejandro at Nino Alejandro sa Ichiban ay planong isama ng producer sa show si JC at patuloy ang negosasyon sa kanya ng nasabing produ.
MGA ‘DI KAGUWAPUHANG DABARKADS NABIBIGYAN NG CHANCE NG EAT BULAGA SA “FEELING POGI”
KUNG ang ibang mga programa sa telebisyon ay mga guwapo at hunk lang ang puwedeng sumali sa kanilang pakontes, ang Eat Bulaga ay matagal ng nagbibigay ng pagkakataon sa mga hindi gaanong kaguwapuhang Dabarkads na pasok bilang daily con-testant sa “Feeling Pogi.” Very confident ang mga kalahok sa pagkompara sa kanilang sarili sa mga matinee idols o heartthrobs at infairness sa kanila may mga talent sila at mahusay magsalita.
Isa ang “Feeling Pogi” na patok ngayon sa segment sa Bulaga at kinaaaliwan talaga ito ng studio audi-ence at TV viewers.
Comments are closed.