SA EDAD na 21 anyos at bilang technical-vocational graduate, napatunayan ni Joeminel U. Cutcharo na ang kanyang pinag-aralan at taglay na skills na natutunan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay naaayon na sa world class standards at nagagamit pa niya sa kanyang paghahanapbuhay. Patunay rito, ang kanyang pagtanggap ng dalawang magkahiwalay na pagkilala sa international competitions sa dalawang magkasunod na taon kung saan kapwa tumanggap siya ng award na “Medallion for Excellence” sa Automotive Technology.
Una niyang natanggap ang naturang award nang ipinadala siya ng TESDA bilang kinatawan ng Filipinas sa 12th Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) Skills Competition o “WorldSkills Bangkok 2018” na idinaos sa Bangkok, Thailand noong 2018. Sumunod rito ay sa “WorldSkills 2019” na idinaos naman sa Kazan, Russia nitong nakalipas na Agosto lamang. Siya rin ang tumanggap ng “Best of Nation Award” sa ginanap na WorldSkills Kazan, dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa mga kasamang competitors mula sa bansa.
Ang Medallion for Excellence Award ay ipinagkakaloob sa mga competitor kung ang performance nito’y nakatugon sa interna-tional standards alinsunod sa itinakdang criteria ng WorldSkills International.
Nag-aaral pa lamang siya ng kursong Automotive Technology sa TESDA Auto Mechanic Training Centre, Tacloban City, sumasali na si Joeminel sa iba’t ibang kompetisyon sa bansa kung saan palagi siyang nanalo ng gold medal.
Pangatlo siya sa limang magkakapatid at residente ng Dulag, Leyte. Ang kanyang pamilya ay kasama sa mga nasalanta ng Su-per Typhoon Yolanda noong 2013, na ikinasawi ng tinatayang 6,000 katao. Nang mangyari ang kalamidad, mapalad na nakaligtas si Joeminel at ang kanyang pamilya. Pero dahil sa nakadagdag ito sa kanilang financial problem, hindi na siya nakapagkolehiyo. Ngunit nakumbinsi ni Joeminel ang mga magulang niya na magpatuloy pa rin sa pag-aaral kahit hindi na pormal na kolehiyo, “kaya nag-TESDA ako.”
Naging beneficiary siya ng Isuzu Philippines Heart and Smile Project, scholarship na magkatuwang na sinusuportahan ng TESDA, Isuzu at World Vision. Siya ang Class 2017-2018 valedictorian sa Automotive Servicing. Holder siya ng Automotive Technology NC l-lV
Inamin niya na dumanas siya ng diskriminasyon sa pagkuha niya ng tech-voc, “subalit hindi ako nagpatalo. Ipinakita ko na mahalaga ang tech-voc.”
“Ako po ay nagtatrabaho sa Isuzu Philippines Corporation sa Technopark Avenue, Biñan, Laguna,” ani Joeminel. Nagbago na ang buhay ng kanyang pamilya dahil may trabaho na siya, “‘yung dati na hindi ko nabibili, ngayon na nabibili ko na at naishe-share pa sa iba.”
Payo nito sa mga kabataan na gustong sundan ang kanyang tagumpay, “tiyaga lang po dahil ang paghahasa ng skills ay nabubuo kapag may pasensya, tiyaga at tiwala sa sarili.” Plano nito na magtapos ng kolehiyo, kumuha pa ng mga TESDA courses at Train-er’s Methodology upang maging TESDA Trainer at School Administrator.
“Dahil sa TESDA, sigurado na ang aking trabaho, angat pa sa kaalaman. Ang maging isang kinatawan pa-ra sa World Skills Competition ay isang matibay na ebidensya sa akin na ang TESDA ay kayang baguhin ang buhay ko,” ani Cutcharo.
Comments are closed.