BAGAMAN mahigit tatlong buwan nang tapos sa Netflix ang comedy-love story na “Crash Landing On You,” patuloy pa rin na hinahangaan ang bidang babae na si Son Ye-jin na gumanap na Yoon Se-ri.
Itinanghal bilang “Most Beautiful Woman in the World” ang South Korean actress na si Son Ye-jin.
Si Son Ye-jin ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa “Most Beautiful Woman in the World” for 2020 ng entertainment site na Starmometer.
Umabot sa 4,354,037 votes ang nakuha ni Son Ye-jin mula sa social media at sa pamamagitan ng online ballot.
Tinalo ni Son Ye-jin si Lisa Manoban ng Blackpink matapos lumamang siya dito ng 500,000 boto.
Comments are closed.