YOUNG ACTOR NA BIGLANG SIKAT NAGKAKA-AMNESIA NA

SILHOUETE ACTOR

MAY mga senyales na ng paglaki ng ulo ang isang young actor na dahil may talent naman sa pag-arte aybuzzday sikat na nga­yon. Pero, sa ilang taon pa lamang niyang pamamalagi sa showbiz, napakabata pa niya para magkaroon ng sakit ng “amnesia” o madali nang makalimot.

May isang katoto kami na naringgan ko habang nagkukuwento na ang young actor na ito raw ay napakagaling nang mangako tapos hindi naman tinutupad, at kapag ipinaalala mo ay biglang sasabihin na nawala sa isip kuno o sasabihing, “ay hindi po ninyo na-receive ‘yung text ko, or hindi ba ninyo natanggap?” At ang worst scenario pa, minsan sa isang okasyon ay hindi na lang siya pinansin na kunwari ay hindi siya nakita.

Ang tindi pala ng amnesia ng batang ito. Tipong nalulunod na sa isang basong tubig. Hindi pa katagalan ang kanyang showbiz stint bagama’t namamayagpag na siya—good projects na nagbigay din sa kanya ng award.

Naku, totoy, habang maaga pa, e, umayos ka, ha?

Kasabihan nga lalo na sa probinsiyang iyong pinagmulan: “Ala! Ay ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay  hindi makararating sa paroroonan.”

Umayos ka, utoy!

ALDEN RICHARDS HINDI SUMUSUKO

ALDEN RICHARDS-18HINDI maawat ang pagmamahal ng Kapuso viewers sa GMA telefantasya na Victor Magtanggol. Bukod sa nakaaaliw na Victor Magtanggol mobile app, pinatutunayan ni Alden Richards bilang si Victor na hindi kailangang maging superhero upang makatulong sa kapwa. Lalong dumarami rin ang mga umiidolo sa ating bida dahil sa kanyang mabuting kalooban at pagmamahal sa kanyang pamilya.

Ayon kay Alden, ang loyal viewers ng kanyang programa ang nagsisilbing inspirasyon niya para pagbutihin ang kanyang trabaho at mabigyan sila dekalibreng programa gabi-gabi sa primetime.

Samantala, tuluyan na bang makatatakas si Victor at mga kasamahan niya? Makahahanap na rin ba ng paraan sina Sif (Andrea Torres) at Meloy (Yuan Francisco) para matulungan ang mga taga-San Juan?

Comments are closed.