YOUNG ACTRESS PINAGTATAWANAN

young actress

PINAGTATAWANAN ang young actress dahil sa kanyang flimsy alibi na na-sizzling bitsunfriend daw niya nang hindi sinasadya ang kanyang papang aktor. Puwede ba naman ‘yun e napaka-high tech na ng mga kabataan sa ngayon kaya imposibleng purely accidental ang ganoong pangyayari.

Anyway, marami ang nagpapalagay na nagkaroon ng misunderstanding ang dalawa kaya in-unfriend niya ang kanyang boyfriend.

Ang sabi pa nga ng isang veteran lady movie scribe, baka raw naburyong na sa mga kadramahan ng mag-ina ang aktor at ito ang nag-unfriend sa dalawa. Hahahaha!

Whatever’s the real score, I have this inkling that the relationship of this young actor and actress would not end up at the altar.

Kapag matagal na ka­sing magsyota at hindi nagpakasal, chances are, hindi na sila magkakatuluyan.

At ‘yan ang nararamdaman ko sa dalawang ito.

Period. Walang comma!

JERICO ESTREGAN  INAMING IRE-RESHOOT ANG PELIKULANG ALYAS BEN TUMBLING

JERICO Estregan delineated the major support in the movie Exit Point, the action-JERICO ESTREGANpacked comeback movie of Ronnie Ricketts.

It’s slated to have a red-carpet premiere this coming February 17 at the Ayala Mall South Park Cinema, Muntinlupa City.

Maliban sa Exit Point, tuloy pa rin daw ang mga pelikulang pagbibidahan ni Jerico na The Pancho Villa Story at Alyas Ben Tumbling.

Filmbio ng Filipino boxing champ na si Pancho Villa ang naunang pelikula at ang ikalawang project naman ay true-to-life story of the notorious criminal Benjamin Garcia, otherwise known as Alyas Ben Tumbling.

Ang ikalawang proyekto ay base sa true-to-life story ng notorious criminal na si Benjamin Garcia, aka Alyas Ben Tumbling, who was killed by the Malabon Police sometime in March 13, 1981.

Tapos na sana ang shoot ng Alyas Ben Tumbling but according to Jerico, his dad ER Ejercito has come to the decision of changing the cast and doing a re-shoot.

Noong 2016, tumakbo si Jerico as governor of Laguna and was pitted against his own dad ER.

Nang matapos ang halalan, mas mataas pa ang botong nakuha niya as compared to his dad.

“Back in 2016, my name was in the ballot also. I withdrew my candidacy but my name was not removed from the ballot.

“That’s why na-confuse ‘yung mga tao. Na-confuse sila kasi we have familiar names.”

‘Yung dad daw niya, Jorge Estregan ang screen name. Ang real name daw naman niya ay Jorge Antonio Genaro Ejercito.

Tapos ang impression daw ng mga tao, ang Jorge at Emilio ay iisang tao lang. Ang desisyon daw ng mga tao, basta Ejercito, ‘yun ang lalagyan nila ng shade.

Pero mataas pa rin daw ang mga boto niya by 300,000 votes.

Wala rin daw siyang planong tumakbo sa politika for the simple reason na tinatapos pa niya ang kanyang thesis para sa kanyang master’s degree sa De La Salle University.

Feel din niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career at asika­suhin ang kanyang trabaho bilang head coach ng Nike Run Club.

Ang older brother niyang si John Paul Ejercito ang kakandidato na alkalde ng Pagsanjan, Laguna kung saan ang kanyang running mate ay ang kanilang inang si Girlie Ejercito, otherwise known as Maita Sanchez.

Si Maita ang Incumbent mayor ng Pagsanjan, Laguna but she would run as vice mayor on the May 2019 midterm elections.

ER Ejercito, on the other hand, would run again as governor of Laguna.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, i love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.