YOUNG GUN NA MAMBABATAS HUMINGI NG PAUMANHIN SA SEXIST NA BIRO SA PRESS CONFERENCE

HUMINGI ng paumanhin ang isa sa tinaguriang “young guns” sa Kamara at House Leader na si Depuy Speaker and Quezon 2nd District Representative David “Jay-Jay Suarez kung mayroon man aniya siyang “na-offend” sa kanyang biro tungkol sa gender roles sa naganap na press conference sa House of Representatives noong Marso 4,2024.

“I would like to apologize guys to all those offended by the statements I issued last week.Especially to the individuals, to the organizations, to the sectors who found my statements to be offensive. I am deeply sorry, “sabi ni Suarez sa press conference na isinagawa ngayong Lunes sa House of Representatives.

“I intended no harm.If given the opportunity, I will continue as a public servant to uphold, protect, and promote the rights of women.And please accept this statement as an apology,”sabi ni Suarez sa isang maikling pahayag.

Ang kanyang biro ay tungkol sa trabahong bahay na karaniwan ng ginagawa ng mga kababaihan.“Handa na ‘yung laundry soap namin, handa na ‘yung mga plantsa namin, handa na ‘yung mantika at kaserola dahil isang buwan kaming maghuhugas, maglalaba, magsasampay, mamamalantsa, at magluluto sa aming mga tahanan,”ang na- quote na biro ni Suarez.

Nasambit ni Suarez ang nasabing biro matapos ilatag ni House Committee on Women and Gender Equality Bataan Ist District Representative Geraldine Roman ang mga planong isasagawa ng naturang komite bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month sa mababang kapulungan sa buwan ng Marso.

Sa tradisyonal na gender roles, ang mga kababaihan ang karaniwang naiiwan sa tahanan upang mag- asikaso ng mga anak at mga trabahong bahay samantalang ang mga kalalakihan ang inaasahang maghahanapbuhay para sa pamilya.

Itinuring naman ng grupong Oxfam Philippines na ang gender roles na ito bilang isang isyu sa human rights at gender issue. Sa pag-aaral ng Oxfam Philippines napag -alaman na kahit ang mga kababaihan ay may mga mabibigat na responsibilidad sa work places kung saan ay kinikilala na ang gender equality, subalit nananatili umanong pangunahing responsibilidad pa rin ng kababaihan ang gender roles na ito sa kanilang tahanan. Kulang ang shared responsibility sa kanilang kabiyak o ibang kasapi ng pamilya kung saan nakokompromiso aniya ang kanilang pagkatao.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia