ISUSULONG ng mga tinaguriang “young guns” o mga kabataang mambabatas ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ulat na naglipanang marijuana infused e-cigarettes o vapes sa bansa na natuklasan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang operations.
Ito ang ipinahayag nina Assistant Majority Leader and La Union Ist District Representative Francisco Paolo P.Ortega V,Assistant Majority Leader and Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, Assistant Majority Leader AKO Bicol Partylist Representative Raul Angelo Bongalon, Davao Oriental 2nd District Representative Cheeno Miguel D. Almario at House Deputy Speaker Quezon 2nd District Representative David “Jayjay” Suarez sa isinagawang press briefing sa House of Representatives sa huling araw ng session nitong Miyerkoles bago mag- break para sa Holy week.
Nagpahayag ng pagkabahala ang naturang “young guns” sa naturang isyu kung kaya’t isusulong na busisiin ito sa pamamagitan ng congressional inquiry.
Ayon naman kay Almario, ang Committees on Health, on Trade and Industry, at Dangerous Drugs ang posibleng mamumuno sa pagsasagawa ng joint investigation sa naturang isyu. Naniniwala rin siya na posibleng ito ay hindi isolated incident.
“Case in point, I believe it was the UK which has had reports of these substances being used, and more popularly now, in the countries that allow the medical use and consumption of marijuana, some companies have gone as far as to extract oils for them to be used in vape devices,” dagdag ni Almario.
Hinikayat ng mga naturang mambabatas ang mga tagapagpatupad ng batas na alamin din ang mga impormasyong nagmumula sa ibang bansa tungkol dito para magsilbing gabay sa kanilang pagtugis sa mga maaaring managot dito sa bansa.
“I will support that because I’m more concerned with illegal drug trafficking in the country.
Nagiging creative na rin yung mga illegal drug traffickers. I really want Congress to dig deeper into this.,” sabi ni Almario.
Ganun pa man nagbabala siya sa mga illegal drug traffickers na pananagutin umano ng mga aworidad. “They see that (vape fad) as a good market to … kasi masyado na silang creative o capitalized in order for them na makuha yung market and then increase their sale,” ang sabi ni Adiong. Kaya isusulong nila ang mas mahigpit na batas upang papanagutin at bigyan ng mabigat na parusa ang mga sangkot sa manufacture, sale at importation ng marijuana-infused vapes sa bansa.
Giit ni Suarez, kailangan ay magkaroon ng tamang safeguards ang publiko laban sa marijuana-filled vapes kaya nag- aalala siya sa pagdinig sa Kamara na ibig illegalize ang medical cannabis.
Sinuportahan din ni Suarez ang imbestigasyon na isasagawa ng mababang kapulungan para sa PDEA at ibang law enforcement agencies at bureaus na layon nitong magsagawa ng mas epekibong hakbang at mekanismo na sugpuin ang pagkalat ng naturang produkto na may illegal na droga at makapasok pa ito sa bansa.
“And of course, at the end, yung talagang dapat nakikita natin nasa likuran na sila ng rehas yung mga taong nasa likuran nito,” sabi ni Suarez.
Ayon naman kay Bongalon dapat ay matuklasan sa isasagawang congressional inquiry ang teknolohiya na ginagamit sa marijuana-infused vapes.
“We know that as technology advances, nagiging creative din ito pong mga illegal drug dealers natin in a way not to be identified or hindi po sila makikita agad na pinapasok nila sa vape and making it appear that this is just a usual e-cigaratte ano. So, this should serve as a reminder to everyone, especially to the youth, to the students, that the use of marijuana is still illegal. Although there are talks to amend the RA 9165 or the Dangerous Drugs Act, as amended, wherein there are talks to legalize the use of marijuana for medical purposes,” sabi ni Bongalon.
Samantala nanawagan naman si Ortega na dapat ay maaresto agad ng mga aworidad ang lahat ng traders at manufacturers na responsable sa pagpapakalat marijuana-filled vapes sa bansa.
“In Singapore… dinedemanda po yung mga kompanya na nagdi-distribute po ng ganyan. So I think with the investigation being referred to Congress as well, we can explore things like that para po yung mga kompanyang yan, kung ginagamit man sila para mag create ng mas modern ways of dealing with drugs, ay dapat po masampolan na talaga yung mga yon.,” ang sabi ni Ortega.
Ma.Luisa Macabuhay- Garcia