SINUPORTAHAN ni Young JV ang sinabi ng kaibigan niyang si Gerald Anderson na hindi niya pinagsabay sina Bea Alonzo at Julia Barretto.
“Wala pong overlapping. Hindi ko nga po alam bakit may ganyang isyu. Nagulat na lang po kami na may ganyang isyu sa kanya,” pahayag ni Young JV sa media launch niya bilang endorser ng Fasclean Extra Power Detergent Powder, with fabric conditioner in Sampaguita and Lavender scents.
Basta sure si Young JV na in love si Gerald ngayon.
“Sa kanya po ‘yun… personal choice na po ni Gerald ‘yun. Hindi ko alam kung bakit nabo-bombard siya sa mga isyu. Sana nga po, knowing both sides naman, sana po let’s respect them,” pakiusap ni Young JV.
Panawagan din ni Young JV na tigilan na ng mga basher sa social media si Gerald, maging si Julia.
“Sana maging peaceful na lahat. Kasi sa totoo lang, walang ghosting na nangyari,” lahad ni Young JV.
Bilang matalik na kaibigan ni Gerald, may alam daw si Young JV sa nangyayaring isyu sa aktor at sa ex-girlfriend niya na si Bea, pati na kay Julia.
“Uh, for me, feeling ko pansira lang talaga ‘yun sa kanya. Feeling ko everything na, and I feel like, they shouldn’t do that.”
Tinanong si Young JV kung up to now ay affected pa rin si Gerald ng mga nangba-bash sa kanya.
“Well, kapag kasama ko siya, palagi siyang masaya. Basta nandoon kami for him. We’ll always be on his side lang.”
Sa nakaraang ABS-CBN Ball ay magkasama raw sila ni Gerald sa isang table. Habang nasa kanya-kanyang table rin sina Bea at Julia.
Pinagkuwento rin namin si Young JV sa naging reaksyon ni Gerald nu’ng tawagin na si Bea bilang winner sa nabanggit na ball.
“We’re ano, I’m happy for Bea. I wish her all the best and I hope everything will die down.”
Nanghihinayang daw si Young JV sa kinasadlakan ng relasyon nina Bea at Gerald.
“He really loves the person so much. Alam ko, e, kaibigan ko kasi siya. It’s you know, sabi ko sa kanya, ‘Bro, kung anuman ang desisyon mo, we’re all here to support you.’”
On the other side, nakita rin daw ni Young JV si Julia sa ball. Pero sila raw nina Gerald ang magkakasama until umalis sila sa party.
“Oo, kami nasa table lang kami (nina Gerald) habang kumakain kami. We’re doing our business. Sa sulok nga kami, e.”
‘Yung walang nangyaring ghosting para kay Young JV, bakit iba ata ang sinabi ni Bea?
“Opo (magkaiba sila ng statement), well for me, I stand for where my friend is, and, alam ko po talaga kung saan siya nanggagaling. For me, wala po talagang nang-yaring ghosting,” diin pa niya.
‘DI NAHIHIYANG MAG-ENDORSO NG SABONG PANGLABA
Hindi naman nairita si Young JV nu’ng tinatanong siya about Bea-Gerald and Julia sa launch ng isa na namang Megasoft Hygienic product nina Ms. Aileen Choi Go, ang FASCLEAN.
Mas lalong ‘di siya napi-feeling awkward being the endorser ng isang detergent powder kahit na isa siyang certified na lalaki.
Inamin ni Young JV na naglalaba naman daw talaga siya. Bata pa lang daw ay na-train na siya ng kanyang tatay na isang military man na isang heneral na bago siya umalis ng bahay o gumimik, kailangan ay maglaba muna siya ng kanyang mga damit.
“After that, matagal din po ako na hindi naglalabas kasi puro washing machine na ngayon, e. Pero ngayon syempre, nu’ng sinasabi sa akin my endorsement na Fasclean, try ko nga ulit. Para makita ko ‘yung resulta,” lahad pang bagong celebrity endorser ng Megasoft.
Comments are closed.