PINANGUNGUNAHAN ng magkapatid na Phil at James Younghusband ang 23-man Azkals lineup para sa nalalapit na 2019 AFC Asian Cup.
Ang talaan ng mga player ay ipinalabas ng Philippine Football Federation (PFF) noong Huwebes ng gabi.
Batay sa report na naka-post sa website ng PFF, magbabalik si forward Javier Patiño makaraang hindi makapaglaro sa katatapos na Suzuki Cup dahil sa injury. Muli ring makakasama ng koponan si midfielder Miguel Tanton.
Ang kumpletong lineup ay ang mga sumusunod: Michael Falkesgaard, goalkeeper; Kevin Ray Hansen, goalkeeper; Nathanael Ace Villanueva, goalkeeper; Carlos de Murga, defender; Stephan Palla, defender; Daisuke Sato, defender; Alvaro Silva, defender; Adam Tull, midfielder; Luke Woodland, defender; Kevin Ingreso, midfielder; Paul Mulders, midfielder; Manuel Ott, midfielder; Mike Rigoberto Ott, midfielder; Stephan Schroc, midfielder; Patrick Strauss, midfielder; Miguel Javier Tanton, midfielder; James Younghusband, midfielder, Jovin Bedic, forward; Curt Dizon, forward; Javier Patino, forward; Iain Ramsay, forward; Patrick Reichelt, forward; at Philip Younghusband, forward.
Makakasagupa ng Filipinas ang South Korea, China, at Kyrgyzstan sa group stage ng AFC Cup.
Bago ang torneo, makakaharap ng Azkals ang Suzuki Cup 2018 champs Vietnam sa isang international friendly match sa huling araw ng 2018.
Gaganapin ang AFC Asian Cup sa susunod na buwan sa UAE kung saan makakabangga nila ang South Korea sa Enero 7, 2019.
Comments are closed.