NAISALBA ni Filipino-Norwegian Christian Tio ang kampanya ng Filipinas sa 2018 Youth Olympic Games nang magwagi ng silver medal sa kiteboarding.
Ang 17-anyos ay tumapos sa ikalawang puwesto sa final race ng men’s kiteboarding noong Linggo matapos ang isang linggong karera sa Club Nautico San Isidro sa Buenos Aires, Argentina.
Si Tio ay sumalo sa second-place honors kay Toni Vodisek ng Slovenia, habang sinelyuhan ni Deury Corniel ng Dominican Republic ang gold medal makaraang manalo ng tatlo sa anim na races bago ang final race noong Linggo.
“My mindset was just to go for it and enjoy,” wika ni Tio. “Thank you for everyone who supported me, giving all the love.”
Mahigit dalawang buwang naghanda si Tio – apat na linggo sa Dominican Republic at apat na linggo sa Bue-nos Aires— upang makondisyon ang kanyang katawan at pag-iisip.
“I didn’t suffer from jetlag. I was fully rested after arriving here early,” ani Tio, na planong umuwi sa Filipinas.
Comments are closed.