YOUTUBE MUSIC: KASA-KASAMA NG MGA DRIVER SA KALSADA

YOUTUBE MUSIC

(ni CT SARIGUMBA)

NAKABABAGOT ang magmaneho o bumiyahe lalo na kung matindi ang traffic. Bukod sa nakababagot ay nakaiinit pa ng ulo. Sayang na sayang din ang oras na iginugugol natin sa traffic. Hindi lamang mga driver ang napakukunot ang noo kundi maging ang mga pasahero.

Dahil hindi na nga naman nawawala ang ma­tinding traffic sa bansa, kailangang gumawa tayo ng paraan upang maging kalmado habang hawak ang manibela. At isa nga sa paraan para gumanda ang pakiramdam o mawala ang inis habang nagda-drive ay ang pakikinig ng magagandang musika.

Hindi mabilang ang mga benepisyo ng pakikinig ng musika. Unang magandang naidudulot nito ay nakapagpapaganda ng mood at nakawawala ng nadaramang stress. Nakapagpapa-improve rin ng memory, at nakababawas ng nadaramang pain. Mainam din ang pakikinig ng musika habang nag-eehersisyo nang hindi tamarin at ganahan sa ginagawa.

Sa rami ng kagandahang naidudulot ng pakikinig ng musika, hindi mabilang na indibiduwal ang nahihilig dito. Pansinin na lang natin habang bumibiyahe, marami ang nakikinig ng music.

At dahil isa nga naman ang musika sa nakatutulong upang maging kalmado ang bawat isa sa kabila ng matinding nararanasang trapiko, inanunsiyo ng Waze na hindi na mababagot ang mga driver lalo na’t mayroon na silang makakasama sa kanbilang pagmamaneho—ang YouTube Music bilang kanilang bagong Audio Player partner. Sa pamamagitan nga naman ng YouTube Music ay mabibigyan na ng panibagong paraan ang mga driver sa pakikinig ng musika habang nagmamaneho ng ligtas.

Nauna nang nailunsad noong Oktubre 2018 ang nasabing partnership na nakapagbigay ng music, pod-casts, audiobooks, news, at iba pa sa kahit na sino.

Sa pakikipag-partner ng Waze sa YouTube Music, bawat driver ay maaari nang mapakinggan ang kanilkanilang paboritong albums, playlist, personalized mixes, at iba na direkta mismo sa Waze app na ginagamit nilang navigation direction.

“We’re really excited to have YouTube Music be part of the Waze Audio Player family,” ani Adam Fried, Head of Global Partnerships at Waze. “We always want to make sure our users have the best possible experience in the car, and now providing them with access to YouTube Music’s huge catalogue means they’ll always have access to their favourite tracks and playlists while on the road.”

Pahayag naman ni Lawrence Kennedy, Product Manager, YouTube Music na: “We know our users love listening to YouTube Music when they’re in the car, so partnering with Waze now makes the driving and music listening experience even better. By making YouTube Music albums, playlists, mixes and more available within the Waze app, our users can enjoy all their favou­rite content without ever missing a turn.”

Upang magamit ng mga YouTube Music Premium subscribers, buksan lang ang Waze apps, pindutin ang music note icon at piliin ang YouTube Music bilang audio player. Ganoon lang kasimple at maaari nang mapakinggan ng walang kahirap-hirap ang mga paboritong audio content, playlist, radio at mara-mi pang iba mula mismo sa Waze.

May pitong naging ka-partner naman ang Waze at iyan ay ang Deezer, iHeartRadio, NPR, Pandora, Scribd, Stitcher, at TuneIn joined Spotify,  na available mula pa noong March 2017. Ipinakilala rin ng Waze ang integrations with Audiobooks.com, Radio.com, Castbox at NRJ Radio, na mas gumanda ang kanilang audio experience sa pamamagitan ng paggamit ng Waze Audio Kit.

Mula ngayon ay available na sa lahat ng users ang YouTube Music integration for Waze Audio Player. Maaa­ring mag-download ng Waze. At para naman ma-integrate ang audio app with Waze, mag-apply ng Waze Audio Kit.

Hindi nga naman maitatangging isa ang musika sa karamay ng marami sa atin sa araw-araw. Kaya naman, mas gaganda na ang araw natin habang bumibiyahe sa tulong ng YouTube Music.

Comments are closed.