NABIGO si Filipino gymnast Carlo Yulo na maidepensa ang kanyang world title makaraang kapusin sa floor exercise finals ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships, Sabado sa Kitakyushu, Japan.
Umiskor ang 21-anyos na si Yulo ng 14.566 mula sa 8.266 sa execution at 6.600 sa difficulty at nagtamo rin ng penalty na 0.30 matapos ang off-balance landing mula sa isa sa kanyang moves upang tumapos sa ika-5 puwesto.
Nakopo ni Nicola Bartolini ng Italy ang gold na may 14.800 habang nagkasya sina home bet Kazuki Minami ng Japan (14.766) at Emil Soravuo ng Finland (14.700) sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
Si Yulo ay nanalo na ng dalawang medalya sa parehong kompetisyon — bronze sa 2018 edition at golden finish noong 2019, kung saan siya ang unang Pinoy na nakagawa nito.
Naging mainit ang simula ng kanyang kampanya noong Biyernes kung saan tumapos siya sa top spot ng floor exercise at parallel bars sa qualification round, kung saan lumahok siya sa tatlong disciplines lamang. Pumangatlo siya sa vault qualifying.
Ipagpapatuloy ng Pinoy gymnast ang kanyang kampanya ngayong Linggo, October 24, sa pagsabak sa championship round ng parallel bars at vault. CLYDE MARIANO
148180 982714Hey there! Nice stuff, please maintain me posted when you post something like this! 626627
238240 322513I surely did not realize that. Learnt some thing new these days! Thanks for that. 434408