PITONG medalya ang naiuwi ni Filipino Olympian at gymnast Carlos Yulo sa 2022 edition ng Southeast Asian Games, subalit sa darating na biennial meet sa Cambodia ay inaasahang mas kaunti ito.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion na hanggang apat na medalya lamang ang maaaring maiuwi ni Yulo matapos na limitahan ng Cambodia ang mga gymnast na lumahok sa dalawang apparatus finals lamang.
Ang Filipino Olympian ay sasabak lamang sa parallel bars, horizontal bar, all-around, at team event.
“Four is better than two, but not as much as seven,” pabirong pahayag ni Carrion.
“Let’s hope and pray that everything goes well.
Ayon kay Carrion, si Yulo ay uuwi sa bansa matapos na sumabak sa Cairo leg ng Gymnastics World Cup Series.
Bukod kay Yulo, determinado rin ang iba pang Filipino gymnasts na mag-uwi ng gold medal, kabilang si Juancho Miguel Besana.
“Our goal is to reach the gold medal,” wika ni Besana na sasabak sa vault event.
Ang Cambodia SEA Games ay nakatakda sa May 5-17.