TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroong inihanda ang Malacanang na regalo o reward kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Sa panayam ng mamamahayag kay Pangulong Marcos, sinabi nito na deserved ni Yulo ang lahat ng puwedeng regalo at ialok ng sinuman, maging private o public sector para sa Olympic gold holder.
“Dahil may monetary reward na siya kung saan-saan nanggagaling, ang talagang… Pagka nagkita kami itatanong ko sa kanya kung ano pa ang maitutulong ng pamahalaan para mas dumami ang ating mga medalists sa Olympics,” ayon sa Pangulo.
Gayunpaman, hindi binanggit ng Pangulo kung anong ibibigay kay Yulo dahil marami na raw itong makukuha sa gobyerno at sa pribadong sektor.
Sinabi ng Pangulo na kapag nagkaharap sila ay itatanong niya sa 24-anyos na atleta kung ano pa ang maitutulong ng pamahalaan para mas dumami pa ang mag-uwi ng Olympic medal sa bansa.
“That is really I think a more significant effort and that’s why I will ask Caloy Yulo kung ano ba talaga sa palagay niya, ano pang pwedeng gawin ng pamahalaan para dumami ang ating medalists,” anang Pangulo.
Naniniwala aniya siyang importante kay Yulo na matutukan ang kapakanan ng mga kapwa atleta.
EVELYN QUIROZ