YULO SA PSA FORUM

Carloss Yulo

TATALAKAYIN ni Carlos Yulo ang pagwawagi niya ng gold sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa kanyang pagbisita sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Si Yulo ay sasamahan sa public sports program nina Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion at Yulo’s Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Ang 21-year-old na si Yulo ay nagwagi ng gold sa men’s vault at silver medal sa parallel bars. Gayunman ay nabigo siyang idepensa ang kanyang titulo sa floor exercise nang tumapos lamang sa ika-5 puwesto sa torneo na idinaos sa Kitakyushu, Japan nitong weekend.

Samantala, makakasama ng gymnastics group sa ikalawang bahagi ng session sina Karate Pilipinas president Richard Lim at national team stalwart Jamie Lim kung saan tatalakayin nila ang nalalapit na World Championships sa Dubai.

Si Lim ay nagkataon ding Chef De Mission ng bansa sa 2023 Asian Indoor and Martial Arts Games.

Ang weekly session ay magsisimula sa alas-10 ng umaga at itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Daily Tribune, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang Forum ay naka-livestream via  PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

5 thoughts on “YULO SA PSA FORUM”

Comments are closed.