NASUNGKIT ni Caloy Yulo ang gold sa floor exercise ng 55th All-Japan Seniors Championship.
Bukod sa gold ay nagwagi rin si Yulo ng silver medal sa team event at bronze medal naman sa vault.
Ang naturang kumpetisyon ay bahagi ng paghahanda ni Yulo para sa World Gymnastics Championship sa susunod na buwan.
Ayon sa coach ni Yulo na si Munehiro Kugimiya, hindi nakalahok ang Pinoy gymnast sa iba pang apparatus dahil nagtamo ito ng injury sa kanyang daliri.
Ayon sa Japanese coach, si Yulo ay naghahanda na para sa World Artistic Gymnastics Championship na gaganapin sa October 29-November 6sa Liverpool, United Kingdom.
Aalis, aniya, si Yulo patungong Paris para sa isang training camp bago magtungo sa Liverpool para sa World Championship.
Idedepensa ni Yulo ang kanyang vault title na napanalunan noong nakaraang taon. Nanalo rin siya ng silver sa floor na idinaos sa Kitakyushu, Japan.