SUBIC, ZAMBALES – MALAKING tulong sa mga residente ng limang barangay sa bayan ng Subic, Zambales ang bagong bukas na water facility ng Primewater Infrastructure Corp. sa ginanap na groundbreaking ceremony sa Brgy. San Isidro bayan ng Subic sa Zambales kahapon ng umaga.
Ayon kay PrimeWater Subic Branch Manager Ruby Quisay, kabilang sa limang barangay na mabibiyayaan ng inuming tubig ay ang mga Barangay Naugsol, Sqn Isidro, Sto. Tomas, Matain at ang Barangay Calapacuan.
Binigyan diin naman ni Cezar Ong, chief ng PrimeWater operation na ang pagbubukas ng San Isidro Booster Station ay essential resource ng kabuhayan ng mga residente sa panahon ng Covid-19 pandemic kaya sinuportahan ng Subic branch.
Hindi naman nakadalo sa groundbreaking ng water facility sina Zambales Vice Governor Jay Khonghun at Subic Mayor Jonathan Khonghun.
Samantala, naunang binuksan ang isa pang water facility ng Mangan Vaca 6 Pumping Station kung saan ang pagbubukas ng operation ay itinaon Subic Water District anniversary celebration noobg Enero 2021.
Umaabot sa 2,000 households sa mga Brgy. Mangan-Vaca, Ilwas, Asinan Poblacion, Wawandue, Baraca-Camachile, at Brgy. Calanpandayan ang nabigyan ng 500,000 litro ng inuming tubig kada araw.
Ayon sa PrimeWater Management, ito ay pasimula pa lamang ng mga proyekto sa bayan ng Subic na hindi mapipigilan ang benepisyo mula sa nasabing kompanya kahit may pandemya. MHAR BASCO
997617 586365Good site, nice and effortless on the eyes and wonderful content material too. Do you need many drafts to make a post? 455354