ZAMBO AGRI OFFICE NAGLAAN NG P2.75-M PARA SA URBAN GARDENING

URBAN GARDENING

NAGLAAN ng Php2.75 milyon ang opisina ng City Agriculturist para sa implementasyon ng urban gardening project sa Zamboanga City.

Sinabi ni Carmencita Sanchez, city agriculturist sa isang panayam kamakailan na ang pondo ay gagamitin para ibili ng kailangang binhi at organic fertilizer at magsagawa ng training.

Sinabi niya na  may 100 pamilya sa bawat barangay na kinabibilangan ng nabanggit na 30 barangay ay tutukuyin bilang benepisyaryo ng proyekto.

“These beneficiaries will be trained on how to conduct backyard and container gardening,” ani Sanchez.

“They will plant fast-growing vegetables, such as pechay, which they can immediately benefit (from),” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Sanchez na ang proyekto ay para na rin masiguro ang steady supply ng organic vegetables na kasalukuyang mataas ang demand sa siyudad.  PNA

Comments are closed.