MAGTATAYO ng sariling mushroom production site ang Educators of the Alternative Learning System (ALS) Continuing Education Program mula sa Zamboanga del Sur sa ikalawang tatlong buwan ng 2020.
Inilahad ni Leah E. Ramirez, education program specialist ng curriculum implementation division-ALS of the Division of Zamboanga del Sur, na ang plano ay dumating matapos na magkasundo sa isang miting ang ALS Cluster na mag-baka sakali sa musroom production.
Nitong nakaraang Biyernes, nagtungo ang kanilang team sa pangunguna ni Acmad A. Dadtum, district ALS coordinator ng Dinas at Dimataling district ALS coordinator Judith T. Datanagan sa Department of Agriculture sa Region 11 (DA-11)-Davao Region Central Experiment Station (DARCES) para sa training ng mushroom production.
Aniya na napili nila ang DA-11 bilang pilot training area dahil nakagawa na ito ng mushroom programs at iba’t ibang pakikipag-ugnayan sa merkado.
“The recipients of this program will be the Alternative Learning System Continuing Education Program: Accreditation and Equivalency Test learners of the Municipality of San Pablo, Dinas, Damataling, Pitogo and Tabina in Zamboanga del Sur,” sabi ni Ramirez.
Kinumpirma rin niya na ang kanilang team ay magte-train ng humigit-kumulang sa 1,350 mag-aaral sa naturang distrito.
“We have seen the potential of mushroom cultivation in our schools. It will also be an alternative source of income for our students,” sabi ni Ramirez, dagdag pa na ito ay mabuting programang pagkakakitaan dahil ang mga kailangang materyales ay mabibili na.
Ang mushroom production ay nababagay sa Dinas, Zamboanga del Sur dahil ang kanilang mag-aaral ay nakatira sa malalayong lugar.
“As of now we do not have the site yet but this will be a good livelihood in the area,” sabi niya.
Magsisimula na silang mag-roll out ng mga training sa kanilang junior high school students gayundin ang basic literacy program learners.
“We will soon request a seminar for our learners for them to adopt the technology and would eventually start their mushroom livelihood,” sabi niya. PNA
Comments are closed.