NAKATANGGAP ng P1.2 milyong halaga ng proyekto at tulong ang isang kooperatiba ng mga magsasaka sa probinsiya ng Zamboanga Sibugay mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sinabi ni Mohammad Dassan Adju, Zamboanga Sibugay agrarian officer, kamakailan na ang Del Monte Coconut Farmers Credit Cooperative (Delcofacco) sa bayan ng Buug ay nakatanggap ng hauling truck, 20 unit ng timbangan at rubber boots para sa buy-and-sell business ng kooperatiba ng copra.
Sinabi ni Adju na ang pinanggalingan ng pondo ng proyekto ay ang LinkSFarm o Linking Smallholder Farmers to Markets program, na ang bayan ng Buug bilang pilot area sa Zamboanga Sibugay.
Samantala, sinabi ni Adju na ang Delcofacco ay tumatanggap ng tulong sa ilalim ng village level farm-focused (VLFED) enterprise development program para sa kanilang pagpoproseso at paggawa bukod sa LinkSFarm.
Ang LinkSFarm at VLFED ay proyekto para sa buong bansa ng DAR na naglalayon na palakasin ang mga magsasaka sa pagiging agro-entrepreneurs.
Sinabi ni Adju na ang Delcofacco ay nakatanggap ng tulong na pinansiyal mula sa DAR na nagkakahalaga ng PHP550,000 para sa konstruksiyon ng coco-coffee processing center, para sa product enhancement at training, at para sa product laboratory testing.
Sinabi niya na ang Delcofacco, na may bagong gawang processing center, ay puwede nang gumawa ng ligtas, dekalidad at handa para ibenta na co-co-coffee products at ibenta ang volume ng produksiyon.
Noong turnover na ginanap kamakailan, binigyang-diin ni Adju sa mga miyembro ng coop ang importanteng papel ng DAR sa pagsubaybay sa sta-tus ng mga magsasakang benepisyaryo matapos ang land distribution.
“DAR will continue doing its functions facilitating development especially in rural communities,” sabi ni Adju.
Tiniyak ni Delcofacco chairperson Violeta Cordero na sisiguruhin ng kooperatiba ang pagpapanatili ng proyekto. PNA
Comments are closed.