‘ZAMPEX SA MEGAMALL’ KUMITA NG P86-M

ZAMPEX 2019-B

INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang limang araw na Zamboanga Peninsula Exposition (ZAMPEX) na ginanap sa SM Megamall nitong Agosto 1-5 ay kumita ng PHP86.13 milyon.

Tinawag na “ZAMPEX sa Megamall”, ang exhibit ay sinalihan ng 110 exhibitors at 20 travel and tour agencies.

Sa pahayag ni Sitti Amina Jain, DTI 9 director, kamakailan ay  nagpakita ang exhibitors ng mga produkto mula sa Region 9 tulad ng mga prutas, food items, hand-woven products at rubber.

“We brought to Manila the entire Zamboanga Peninsula not only the products. We brought the indus-try, culture, the people, and the entire resources of Zamboanga Peninsula,” sabi ni Jain.

Dinala nila ang ZAMPEX sa Maynila para makasakop sa mas malaking merkado kasunod ng tagumpay noong nagdaang taon na nakakuha sila ng mahigit sa PHP25 million na kita, ang pinakamalaki sa loob ng 25 taon mula noong simulan ito noong 2014.

Dagdag pa nito, na ang ZAMPEX ngayong taon ay kakaiba dahil nakipag-partner ang DTI sa ibang na-tional line agencies at ang ibang local government units (LGUs) ng Zamboanga Peninsula na nagdala ng mga binagong produkto, investment, at potensiyal sa tourism ng rehiyon sa Maynila.

Nakaangkla ang gawain ngayong taon sa tema na “Innovate, Invest, Indulge”, na tunay na isang naba-bagay na storyline para sa “ZAMPEX sa Megamall.” PNA

Comments are closed.