ZANJOE MARUDO SABAY LANG SA AGOS NG BUHAY

MAY 15 taon na rin pala si Zanjoe Marudo sa daigdig ng showbiz. Matagal-tagal na rin. I remember him as an ordinary student sa San Sebastian College noong High School kami ng kuya ko. Very tall but not very stri­king dahil maraming guwapo talaga sa Baste.

Naglalaro rin yata siya noon ng basketball, pero hindi ko matandaan dahil sina Tanigue ang sikat noon. But admittedly, mabait naman si Zanjoe, at medyo mahiyain. Kilala ko siya dahil ka-batch siya ng kuya ko though hindi sila naging mag-classmate.

Syempre, mas colorful ang buhay niya kesa kuya ko. Ilang babae na ang nakarelasyon niya at naka-break. Sumikat din naman siya ng husto, if I may say so. Akalain ko bang marunong pala siyang umarte, e, ni hindi siya miyembro noon ng drama club.

“Kailangan kong maintindihan kung bakit nangyayari ito sa mga relationships,” ani Zanjoe, na aminadong para makuha niya ang tamang timpla sa character cheating husband sa sisimulang Kapamilya drama series na “The Broken Marriage Vows,” kailangan niyang mag-interview ng mga kaibigan at kakilala na nagkaroon ng ganoong karanasan. Ito raw kasi ang first time niyang gumanap sa ganitong role —  lalaking may-asawang nasa ibang babae. Iba raw kasi ang diskarte ng mga Pinoy pag nambababae.

“Medyo ninerbyos ako sa project na ito kaya naghanda akong mabuti,” ani Zanjoe. “Nanood ako ng mga shows at pelikula na ganoon ang topic.  Nagbasa ako ng mara­ming libro na ganoon ang tema, at nag-interview ng mga taong may ganoong karanasan.”

British drama talaga ang “The Broken Marriage Vow,” na may Korean adaptation at ngayon nga ay Filipino adaptation.

Nagbabalak na rin daw sana si Zanjoe na lumagay sa tahimik sa huli niyang karelasyong

isang Filipino-Australian model na si Josie Prendergast,

pero naba­litaan na­ming nag-break na pala sila noon pang November 2020.

Alam naman niyang hindi na siya bata sa edad na 39 anyos, pero wala pa nga, ano ang magagawa niya. “Tingin ko, nagawa ko na ang lahat ng pwede kong magawa as a single person,” aniya, “kaya sana lang, mangyari na ang dapat mangyari.”

Sa mapapangasawa, simple lang naman daw ang kanyang requirement. Gusto lang niya ay isang babaing mamahalin na hindi siya iiwan kahit kelan. Isang babaing magi-ging kapartner niya at kakampi, kahit pa dumanas sila ng pagsubok. Mahalaga rin daw na nagkakaintindihan sila mentally and emotio­nally.

Si Zanjoe, true blue Batangueno mula sa Tana­uan, ay sumali sa tulong ng reality ta­lent search “Pinoy Big Bro­ther,” kung saan naging 4th Big Placer siya sa 2006 celebrity edition. Sa buhay at maging sa career, hindi raw sila nagpaplano. Sumasabay lang siya sa agos.

Noong 2008, nakuha ni Zanjoe ang una niyang leading man role sa fantasy-adventure series na “Dyosa,” na si Anne Curtiz ang title role. Pero 2014 siya nakilala nang husto sa TV dramatic soap series na “Dream Dad.” Noong 2017, nomi­nated siya na best performance by an actor sa 45th IEMMY’s (International Emmy) Awards sa pagganap sa “Ma­alaala Mo Kaya: Ani­no.”– KAYE NEBRE MARTIN

120 thoughts on “ZANJOE MARUDO SABAY LANG SA AGOS NG BUHAY”

Comments are closed.