TAGUIG CITY – IPINAHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na kanilang natapos ang ninanais na “zero back-log” na mga administrative cases ngayong natapos ang 2019.
“We were able to resolve all our backlog cases from 2019 down. This is an accomplishment because it started around 2000 plus tapos it reduced and then the last one ‘yung mga almost 1,800 or 1,900 was resolved this year,” ayon sa pahayag ni Police Brigadier General Debold Sinas.
Base sa datos ng NCRPO, na noong 2019 ay inabutan ni Sinas ang may 1,755 administrative cases at dalawang motions for reconsideration (MRs).
Ang mga ito ay karagdagang numero sa may 1,321 na kaso at 695 motion for reconsideration noon pang mga nagdaang taon na hindi pa rin nareresolba.
“What comes next for the MRs, it will be given to the respondents and complainant and implementing orders will be issued,” dagdag pahayag pa ni Camarao. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.