ZERO CASUALTY KAY ‘MARCE’ BIGO, 1 NAITALANG NAMATAY

ILOCOS – BIGO ang pamahalaan na makamit ang zero casualty sa pananalasa ng Bagyong Marce.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng National Disaster on Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong  isang nasawi dahil sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Magugunitang sa pulong noong isang Linggo ng NDRRMC sa pamumuno ni Chairman and Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., Department of Interior and Local Go­vernment (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagpatupad ng forced evacuation sa mga dadaanan ng Bagyong Marce na ang pinuntirya ay ang Cagayan, Batanes at Ilocos province.

Batay sa inilabas na situational report ng ahensya, patuloy nitong kinukumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima at kung saang lugar ito.

Sa datos naman ay patuloy rin ang pagsasagawa ng mga search and rescue operations sa mga nawawalang indibidwal sa Ilocos region.

Patulong ang isinasagawang validation ng NDRRMC kaugnay naitalang fatality.

Umabot naman sa halos 261,787 na mga indibidwal o katumbas ng 76,622 na mga pamilya ang lubhang naapektuhan ng pinsala ni Marce sa rehiyon ng Cordillera.

EUNICE CELARIO