HINIHIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng magulang ng mga batang may bingot o cleft lip or cleft palate deformities sa samantalahin ang programa ng pamahalaang lungsod na mawala na ang suliraning ito sa mga kabataan ng kabisera ng bansa.
Ayon kay Lacuna, ang programa ay sama-samang itinataguyod ng city government sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Sta. Ana director Dr. Grace Padilla at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at ng Operation Smile Philippines (OSP), isang non-government organization .
Nabatid na ang OSP ay nag-i-specialize sa mga bingot o cleft lip cleft palate advocacy at mapalad ang Sta. Hospital na mapili ng OSP bilang partner sa paglulunsad ng “Zero Cleft Lip/Palate” program.
Ang maramihang operasyon ay nakatakdang gawin ngayong Mayo kung saan 70 slots ang target na mapunuan.
Pinasalamatan ng alkalde ang organisasyon sa pagtulong sa lungsod at sa batang populasyon na may mga bingot o cleft lip/cleft kasabay ng pagtanggap ng donasyon mula sa OSP at Johnson and Johnson Philippines para 44 sa health centers na kinabibilangan ng analog infant scale, adult weight and height scale, blood pressure app, pulse oximeters at adult and pediatric stets, at iba pa.
Nabatid na ang community-based initiative ay naglalayong magkaloob ng outreach services sa may 44 barangay sa Maynila.
“The “Zero Cleft Palate” Program is an important and ambitious effort that demonstrates the power of partnership collaboration and community-based driven interventions. By targeting the root cause of this preventable and treatable disease condition, the program seeks to eliminate barriers to healthcare access and create a brighter future for the children of Manila,” ani Padilla.
VERLIN RUIZ