ZERO COVID-19 CASES SA OSPITAL NG TONDO

ZERO na sa COVID-19 cases ang Ospital ng Tondo (OSTON).

Ito ang inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng panghihikayat sa lahat ng mga residente ng Tondo na may dinaranas na karamdaman ngunit takot na magtungo sa ospital dahil sa takot na mahawa sa COVID-19 na maaari ng magtungo na sa OSTON at magpatingin.

Tinukoy ng alkalde ang dahilan ng pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital ay upang paluwagin ang mga city–owned hospitals mula sa COVID-19 cases at dalhin ang mga ito sa field hospital.

“OSTON is now COVID-19 patient free. ‘Yan ang purpose ng COVID field hospital. Kunin nang kunin ang patients and put them in the field hospital para ang mga sakit na di natutugunan or kulang ang tugon ay mas mabigyan ng atensyon,” ani Moreno.

Ayon sa alkalde, marami ang hindi na nagpapakonsulta at nagpapagamot sa kanilang mga malalalang sakit at napagkakaitan ng kailangang pangkalusugang pangangalaga dahil sa takot na mahawa sa COVID sa mga ospital.

Ang field hospital ay itinayo para kukunin ang lahat ng pasyente ng COVID-19 mula sa anim na pinatatakbong ospital ng lungsod na kinabibilangan ng mga sumusunod, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (District 1), Justice Abad Santos General Hospital (District 3), Ospital ng Sampaloc (District 4), Ospital ng Maynila (District 5) and Sta. Ana Hospital (District 6). Ang OSTON na ngayon ay COVID-free ay nasa ika-2 distrito ng Maynila.

Ang hakbang ay naglalayong ilibre na ang mga city hospital mula sa COVID-19 cases upang makapag-concentrate ang mga ito sa pagtugon sa iba pang mga sakit na nangangailangan din ng seryosong atensiyon tulad ng diabetes, sakit sa puso, sakit sa kidney at iba pa.

Sinabi ng alkalde na ang field hospital ay kumpleto sa lahat ng pasilidad na kinakailangan ng isang pasyente ng COVID-19 kabilang na ang oxygen, wifi, intercom. Magkahiwalay din ang wards ng lalaki at babae gayundin ang kanilang shower rooms at toilets.

Samantala, pinasalamatan ni Moreno ang national government para sa 22,800 doses ng Moderna vaccines na ibinigay sa Maynila at sapat para sa 11,400 indibidwal.

Tinukoy din nito ang vaccine storage facility ng lungsod sa Sta. Ana Hospital ay kayang tumanggap ng kahit na anong bakuna at kahit na anong temperature ang required para dito. VERLIN RUIZ

44 thoughts on “ZERO COVID-19 CASES SA OSPITAL NG TONDO”

  1. 936948 866480The Case For HIIT Cardio – Why You ought to Concider it By the way you might want to have a look at this cool internet site I found 913334

  2. 792462 566900Our own chaga mushroom comes with a schokohutige, consistent, charcoal-like arrival, a complete lot of dissimilar to the style of the normal mushroom. Chaga Tincture 608572

  3. 62367 239641Aw, i thought this was quite a excellent post. In concept I would like to devote writing such as this moreover – spending time and actual effort to produce an excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot by no indicates manage to get something done. 107774

Comments are closed.