‘ZERO HUNGER’ EPEKTIBO, NAKATUGON SA PANGANGAILANGAN NG MGA FILIPINO

Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles

NAKATUGON sa pangangailangan ng sambayanang Filipino ang itinatag na Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Ito ang pagmamalaki Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles sa pagdiriwang kahapon ng unang anibersaryo ng IATF-ZH na ginanap sa pamamagitan ng Zoom meeting.

Ang Task Force ay itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 10, 2020 sa pamamagitan ng Executive Order No. 101.

Ang paglikha nito ay naglalayong magsagawa ng hakbang at polisiya para labanan ang kagutuman  at matiyak na ang polisiya ng pamahalaan ay makatugon at lumikha ng inisyatibo at proyekto para makamit ang zero hunger.

Ang naturang task force ay gagampan sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng public-private partnership na naglalayong magkaroon ng food security sa bawat pamilyang Filipino sa pamamagitan ng pagpapanatili ng abot kayang presyo ng pagkain.

“The Task Force is part of an all-encompassing program to form a lasting and effective public-private partnership that aims to achieve food security for all Filipino families,” ayon kay Andanar.

Sa selebrasyon ay isinabay ang paglulunsad ng National Food Policy document na magsisilbing roadmap para matamo ang inaasam na zero hunger sa taong 2030.

Sinabi ni Nograles na kanila itong isusumite sa susunod na administrasyon na magsisilbing gabay sa kanilang pinasimulang programa at umaasang maipagpapatuloy ito para na rin sa kapakinabangan ng sambayanang Filipino. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.