ZERO INCIDENTS TARGET NG PNP

Jonathan Malaya

TARGET ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP)  ang “zero incidents” sa buong panahon na idinaraos ang 30th Southeast Asian Games sa F­ilipinas

Nabatid na bago pa opisyal na mag-umpisa ang paligsahan ay nagpahayag na ang mga banyagang kinatawan ng palaro na kontento sila sa inilatag na seguridad ng PNP para sa mga delegado at mga manlalaro.

Ayon kay DILG USec. Jonathan Malaya, ramdam ng mga manlalaro ang ipinatutupad na seguridad simula nang magdatingan sa bansa ang mga atleta.

Giit ng opisyal na lahat ng foreign delegates ay escorted ng mga pulis.

“As of matter of fact nu’ng dumating na ‘yung mga delegado kaagad nandun ‘yung ating mga security convoys and the foreign delegates have already expressed their satisfaction with the security arrangements,” ani Malaya.

“Wala po tayong na­receive na kahit anumang complaints from the foreign delegates about lack of security on their part. They feel secure, kitang kita po natin on my way here may nakasalubong akong convoy ng mga delegado ng isang bansa na fully secured ng PNP,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ni PNP spokesperson B/Gen. Bernard Banac  na plano nila na magkakaroon ng special lane para sa SEA Games delegates gaya ng ginawa noong nakaraang APEC summit at iba pang international events.

Nabatid na pangunahing concern ng PNP na nagsisilbing escorts at security convoys ng mga atleta ang grabeng trapik na kanilang ipinakita sa nilikhang Multi Agency Coordinating Center (MACC) sa Camp Crame kung saan tinututukan ang traffic situation para sa iba’t ibang sports venues.

Aminado ang PNP  na malaking hamon sa seguridad ang nararanasang problema sa trapiko at kung sakaling hindi maisapinal ang hinihi­nging special lanes para sa SEA Games ay mananatili sila sa stop and go scheme sa mga daraanang lansa­ngan.

Ayon kay Banac, dahil sa target ng PNP ang zero incidents sa buong panahon ng palaro ay may nakahanda silang protocols sakaling magkaroon ng aberya.

“So insofar as security preparations are concerned we are 100 percent prepared and ang target talaga natin ay zero incidents so for this to happen this is not simply the problem of the PNP, we enjoin LGUs, barangay officials magtulong-tulong na po tayo rito especially kapag tapos na ang games at namamasyal na yung mga delegado sa mga hotels, beaches natin let’s continue to secure them even after the games until such time they return back to their respective countries,” ani Banac. VERLIN RUIZ

Comments are closed.