ZERO INTEREST LOAN

trade secretary ramon lopez

NAGPALABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kabuuang P11.5 million in­terest-free loan assistance sa ilalim ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) program sa wounded in action (WIA) soldiers, gayundin sa mga pamilya ng killed in action (KIA) sa Mara­wi siege.

Ayon sa DTI, nasa 159 mula sa 186 aprubadong loan applications ang naipalabas na hanggang noong Hulyo 31.

“DTI acknowledges the ultimate sacrifice made by our soldiers who fought and died during the Marawi siege. This 0%-interest microfinance loan dedicated for them is just one of President Rodrigo Duterte’s ways to thank our heroes,” wika ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

“We at DTI are very happy of the turnout. It shows that many of our soldiers will now be able to start their businesses and be part of the entrepreneurial revolution,” dagdag pa ng trade chief.

Ang total approved loan applications ay nagkakahalaga ng P13.4 million. Karamihan sa mga aplikasyon ay nagmula sa WIA soldiers.

Sinabi ng  SB Corporation, ang attached agency ng DTI na na­ngangasiwa sa  P3 ­program, na 111 sa 186 approved loan applications ay mula sa Marawi-residing soldiers at families. May kabuuang P6.9 million ang ipinalabas sa kanila.

Samantala, ang ahensiya ay nagpalabas ng P4.5 million sa may 64 non-Marawi based WIA at KIA soldiers at families.

Noong Pebrero 13, ang DTI, sa pakikipagtulungan sa Department of National Defense (DND) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ay lumagda sa isang equity at loan agreement sa WIA soldiers at families ng KIA.

Ang WIA/KIA P3 loan program ay isang special P50 million loan package na naglalayong magkaloob ng livelihood at fund assis-tance sa mga sundalo at kanilang mga pamilya. Ang mga borrower ay maaaring maka-avail ng interest-free loan package na hanggang P100,000 kung babayaran sa loob ng dalawang taon. Ang mga lagpas sa dalawang taon ay papatawan lamang ng 2% annual interest rate.

Bukod sa P3 program, ang DTI ay nagsagawa rin ng libreng negosyo seminars sa WIA soldiers at pamilya ng  KIA upang maihanda sila sa pagsisimula ng kanilang mga negosyo. Iba’t  ibang trainings ang isinagawa sa Marawi, gayundin sa AFP Medical Center sa Quezon City.

Comments are closed.