LUMAGDA ang Department of Tourism (DOT) at ang Small Business Corporation (SB Corp.) sa isang memorandum of agreement para sa P6-billion program na magkakaloob ng loan assistance sa tourism businesses.
Ayon sa DOT, sa ilalim ng “CARES for Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood (TRAVEL)” program, ang micro, small, and medium enterprises mula sa tourism industry ay magkakaroon ng access sa zero interest, no-collateral loans.
Ang loan term period ay apat na taon, kabilang ang grace period na hanggang isang taon.
Ang mga negosyo na hihiram ng pera ay magbabayad lamang ng one-time service fee, na itinakda sa maximum na 8 percent para sa four-year loan.
Umaasa si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makatutulong ang inisyatiba na ito para mapabilis ang pagbangon ng tourism industry, na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“Aside from rescaling, rebooting, and making some sort of whole industry pivot, we also recognize the need for tourism MSMEs to have access to financial assistance or funds just to tide them over the present pandemic crisis,” ani Romulo-Puyat.
“By working together, we can hopefully bring tourism, an industry that contributed 12.7% to the country’s 2019 GDP, back to its glory days,” dagdag pa niya.
Ang pondo para sa pautang ay kukunin sa budget na inilaan sa SB Corp’s CARES program sa ilalim ng Bayanihan 2 law.
Comments are closed.