ZERO POSITIVE CASE NAITALA SA MAYNILA

SA kauna-unahang pagkakataon simula ng magbigay ng libreng RT-PCR testing o swab testing noong isang taon, ang kabisera ng bansa ay nakapagtala ng ‘zero positive’ case sa loob ng isang araw at ito ay noong May 29, 2021.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay base sa ulat na ipinadala sa kanya ni Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital na siyang nagsisilbi bilang pangunahing ospital pagdating sa kaso ng COVID-19.

Ang nasabing report ay naglalaman ng daily count ng samples ng specimen na natanggap at naproseso sa nasabing araw at ang cumulative count noon pang magsimula ang operasyon noong October 4, 2020.

“Maraming salamat sa Diyos. This is a very welcome piece of news at sana ay magpatuloy ang pagbaba,” pahayag ng tuwang-tuwa na alkalde, kaugnay ng naitalang zero positive case sa coronavirus noong nakaraang Sabado.

Ayon kay Padilla, ang RT-PCR daily count ng COVID tests na ginawa noong May 29, 2021 sa Sta. Ana Hospital ay nagrehistro ng ‘zero’ positive case, na nagpapakita na ang mabilis na vaccination program ng lungsod ang dahilan.

Noong kasagsagan ng surge may apat na linggo na ang nakakaraan, sinabi ni Padilla na mahigit 100 katao araw-araw ang nagpopositibo sa kaso at walang araw na lumilipas nang hindi nakakapagrehistro ng mga nagpositibo sa COVID-19. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “ZERO POSITIVE CASE NAITALA SA MAYNILA”

Comments are closed.