IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa pamahalaan na alisan ng taripa ang mga inaangkat na produkto na nakalagay sa glass bottles.
Sa kanyang rekomendasyon sa National Economic Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI), nais ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong na gawing zero ang tariff sa mga inaangkat na glass bottles, glass products at raw materials sa paggawa ng glass bottles.
Ayon kay Ong, ito ay bilang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Aniya, sakaling maging zero ang tariff sa glass bottles, malaki ang ibababa sa presyo ng mga de boteng produkto tulad ng toyo, suka, patis, sardinas, juice, gatas, kape, mantika, ketchup, sauce at iba pa.
Dagdag pa niya, makababawas din ito sa paggamit ng lalagyang plastic na nakasisira sa kapaligiran dahil lilipat ang mga food at beverage manufacturer sa paggamit ng glass bottles. CONDE BATAC
Comments are closed.