IBINASURA ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang kahilingan ng mga feed miller para sa duty-free import ng 200,000 metric tons (MT) ng yellow corn kahit matapos ang harvest season dahil maaari itong makapinsala sa local farmers.
Ang desisyon ni Piñol ay makaraang magpulong ang agriculture industry stakeholders noong Agosto 10 upang talakayin ang panukala ng mga economic manager na bawasan ang taripa sa ilang food items upang mapabagal ang inflation.
Ayon sa source, tinalakay rin sa naturang pagpupulong ang kahilingan ng Philippine Association of Feed Millers, Inc. (PAFMI) na mag-angkat ng 200,000 MT ng mais nang walang taripa.
“In as far as the [corn] stakeholders are concerned, they reject zero tariff. They even asked: ‘If the price of domestic corn is low, would the feed millers come to our rescue with a fair price?’” wika ni Piñol sa BusinessMirror via SMS.
“Yes. They have to pay the tariffs,” dagdag ni Piñol nang tanungin kung nakikiisa siya sa damdamin ng local corn farmers.
Noong end-July ay sumulat ang PAFMI kay Piñol at humihiling ng 200,000 MT duty-free corn importation upang madagdagan ang local supply at mapigilan ang tumataas na presyo ng animal feed. Ito ay bago pa man pinalutang ng mga economic manager ang ideya na bawasan ang taripa sa corn imports.
“The Philippine Association of Feed Millers Inc. (PAFMI) respectfully request for a duty-free import of 200,000 MT of yellow corn to support livestock and poultry requirements,” pahayag ng grupo sa kanilang liham na may petsang Hulyo 27 kung saan nakakuha ng kopya ang BusinessMirror. JASPER ARCALAS
Comments are closed.