ZERO TARIFF TINANGGIHAN NG PALASYO

Spokesperson Harry Roque

BUKAS ang Malakanyang na babaan ang taripa sa mga pagkain, huwag lamang tuluyang tanggalin para magkaroon ng balanse sa interes ng mga konsumer at ng mga magsasaka.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi isinasantabi ang mga panukalang pagpapababa ng ipinapataw na taripa sa mga produkto partikular sa pagkain.

Resulta ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pinangangambahan pang sisipa o tataas ang inflation rate hanggang 6 porsiyento.

Nauna nang ipinanukala sa Kamara ang pagpataw ng “zero-tariff” sa ilang produktong agrikultura gaya ng karne, isda, mais, trigo at gulay pero tinanggihan ng economic managers dahil sa hindi magandang epekto nito sa mga local producer.

Sinabi naman ni Roque, may mga hakbang na ginawa ng gobyerno para maibaba ang presyo ng ilang bilihin gaya ng pagpapairal ng suggested retail price (SRP) sa mga pagkain o agricultural products.

Nakapasok na rin umano ang inangkat na mas murang produktong petrolyo sa Russia na makatutulong para bumaba rin ang presyo ng mga produktong umaasa sa diesel o gasolina.

Comments are closed.