ZERO WASTE LIFESTYLE SIMULAN NGAYONG 2019

Loren Legarda

HINIKAYAT ni Senadora Loren Legarda ang lahat na simulan na ngayong Taong 2019 ang zero waste lifestyle ng bawat mamamayang Filipino partikular ang hindi paggamit ng plastic materials.

Ayon kay Legarda, sa pagsisimula ng bagong taon dapat na ugaliin na ang zero waste lifestyle para sa kapakanan ng inang kalikasan at ng mga susunod na henerasyon.

Ipinaliwanag  nito na ang zero waste lifestyle ay makatutulong para maibalik ang sigla ng kalikasan partikular na ang pag-recycle ng mga basura at ang hindi paggamit ng toxic waste materials para mabawasan ang banta sa kalikasan.

Kasabay nito, hinikayat  pa ni Legarda ang gobyerno na gawin ang kanilang mandato at mga programa para mapursige ang mamamayan para sa zero waste lifestyle ngayong 2019.

Aniya, kinakailangan pa rin ang role ng gobyerno partikular na ang local government para maipaalala sa mamamayan ang kahalagahan ng kalikasan. VICKY CERVALES

Comments are closed.