ZHANG IDEKLARANG UNDESIRABLE ALIEN

Mar Arias

PABOR  ang abogadong pastor na si Mar Arias, tumatakbong senador sa partido ng Labor Party Philippines, na ideklarang undesirable alien ang Chinese na nasangkot sa pagsasaboy ng taho kay PO1 Willian Cristobal sa isang MRT station.

“Malinaw na pambabastos sa ating kapulisan ang nangyari kaya nararapat lamang na ideklarang undesirable alien si Jiale Zhang,” ani Arias.

Ang plataporma ni Arias ay wakasan ang ‘endo’  para sa manggagawa, dagdagan ang benepisyo para sa mga senior citi-zen at isulong ang bagong Saligang Batas para sa pederalismo.

Comments are closed.